Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 500 mga Lucenaihn dumalo sa isinagawang orientation ng Lucena Manpower Skills Training Center

Aabot sa tinatayang mahigit na 500 mga Lucenahin ang dumalo sa isinagawang orientation ng Lucena manpower Skills and Training Center kamaka...

Aabot sa tinatayang mahigit na 500 mga Lucenahin ang dumalo sa isinagawang orientation ng Lucena manpower Skills and Training Center kamakailan.

Ginanap ang naturang orientation sa compound ng LMSTC sa bahagi ng City Hall Annex sa Brgy. Isabang.

Dumalo sa nabanggit na aktibidad si Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña kasama si Criselda David, ang LMSTC Coordinator, gayundin ang mga guro sa iba’t-ibang kurso sa nasabing tanggapan.

Sa maiksing programa na isinagawa dito, ipinaliwanag ni LMSTC Coordinator Dang David ang ilang mga panuntunan dito.

Aniya, sa ilalim ng progrmang ito ng pamahalaang panlungsod, libre na itong ipinagkakaloob sa lahat ng mga Lucenahin na nagnanais na madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa mga vocational courses.

Dagdag pa nito, mayroon ring ilang mga consumables o mga gastusin ng mga mag-aaral dito ang inilibre na ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, tulad na lamang sa kursong Driving and Troubleshooting ay libre na ang gagamitin ng mga itong gasolina at break fluids habang sa kursong Baking naman ay inilibre na rin dito ang gasul na gagamitin sa kanilang pagluluto.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Executive Assitant III Traqueña, pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagsipagtungo sa orientation na nabanggit at tinangkilik nito ang isa sa mga programa ng pamahalaang panlungsod sa libreng pag-aaral sa LMSTC.

Nagbigay tagubilin rin si Kuya Totoy Traqueña sa lahat ng mga mag-aaral dito na kung maaari ay sa umpisa ng kanilang pagpasok dito ay mapanatilingmga ito ang dami ng kanilang bilang hanggang magtapos ang mga ito.

At matapos ang pananalita ng dalawang opisyales, ipinakilala naman sa mga dumalo dito ang kani-kanilang magiging guro upang sa ganun ay agad na makilala ng mga ito.

Kasunod nito ay nagtungo na sa kani-kanilang silid ang mga magiging mag-aaral ng LMSTC upang alamin naman ng mga ito ang ilang mga panuntunan sa kanilang mga kursong pinasukan.

Sa ngayon ay mayroong 12 kurso sa Lucena Manpower Skills and Training Center ang ipinagkakaloob ng libre para sa mga lehitimong Lucenahin.

Ito ay ang Massage Theraphy, Computer Technician, Electronics Technician, Driving and Troubleshooting, Dressmaking, Refrigiration and Aircondition Technician, Building Electrician, Hair Science and Cosmetology, Shielded metal Arc Welding, Bread and Pastry Production, Auto-Electrical Wiring at Automotive Mechanical Assembly.

Ang pagkakaloob ng libreng pag-aaral sa LMSTC ay isa sa mga pangunahing programa ni mayor Dondon Alcala dahilan sa pagnanais nito na tulungan ang mga Lucenahin na madagdagan ang kanilang kaalaman pagdating sa bokasyunal upang sa ganun ay magamit nila ito sa kanilang pagtratrabaho o kaya naman ay makapagtayo ng kanilang maliit na negosyo at makadagdag sa kanilang kinikita. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.