Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayohan Festival sa Tayabas, sentro ang kultura at turismo

Nasa larawan sina Mayor Ernida Reynoso at Gov. Imee Marcos sa Mayohan Festival 2018 by Ace Fernandez LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – Isang...

Nasa larawan sina Mayor Ernida Reynoso at Gov. Imee Marcos sa Mayohan Festival 2018
by Ace Fernandez

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – Isang tradisyon ng mga Pilipino na minana sa mga kastila ay ang pagdiriwang ng kapistahan batay sa malalim na paniniwala at pananampalataya sa mga Santo ng Simbahang Katoliko.

Dito rin naipakikita ang pagpapahalaga sa pamilya at sa kanilang pagsisikap na mapaunlad ang kanilang buhay at hanapbuhay. Upang makapag-ambag sa lipunan at sa komunidad. Kaya naman ipinamalas ng mga taga - Tayabas ang kanilang tagumpay bilang mga magsasaka sa Mayohan Festival 2018.

Ipinamalas ng mga Tayabasin ang kanilang galing sa pagdesenyo ng mga palamuti at makulay na diwa ng pasasalamat sa patrong minamahal ng mga magsasaka, walang iba kung hindi si San Isidro Labrador.

Ayon sa kuwento ang kasaysayan ni San Isidro Labrador ay isang karaniwang tao. Siya ay mabuting magbubukid ni Juan de Vargas sa Espanya. Sinasabi pa rin na katangi-tangi ang pagmamahal ni San Isidro Labrador sa mga mahihirap.  
Ang Pa’yas Festival 2018 Tayabas City


At dahil sa kalinisan ng pamumuhay, katapatan sa gawain ay napamahal sa may-ari. Ipinakita ang kanyang masidhing pananalig sa Diyos dahil bago siya pumunta sa bukid ay hindi nakakalimot na pumunta sa Simbahan. Namatay si San Isidro Labrador noong May 15, 1130. At ipinagdiriwang ng Tayabas City ang kanyang kapistahan tuwing a-kinse ng Mayo (May 15).

Hindi maitago ang saya at paghanga ng mga lokal at mga banyagang turista sa “Pa’yas ” o Pahiyas na naka dekorasyon sa mga bahay mula sa mga ani. At lubos ang saya at napapawi ang pagod nga mga sumali sa prosisyon kapag natapat na sila sa mga bahay o building na naghahagis ng suman galing sa taas. Naniniwala rin ang mga Tayabasin na kapag mas makulay ang mga tahanan na madadaanan ng prosisyon ay mas magiging masagana ang buhay at ang ani sa loob ng isang taon.

Samantala sa pagdiriwang ng Mayohan Festival 2018 ay kinilala ang mga produktong ipinagmamalaki ng mga Tayabasin. Ibinida rin ang mga tourist destination sa temang “Dini sa Tayabas Yanong Saya, Parini Na!” na bahagi ng Excellence Awards 30th Mayohan Festival ay ang mga kalidad at serbisyo ng Resorts and Hotels sa Tayabas.

Katuwang sa mga pagkilala ng mga awardee ay ang grupong SIKIAT- Sanggunian sa Sining at Kagalingan ng Tayabas na ayon kay City Councilor Lovely Reynoso, Chairwoman ng Committee of Tourism sa Sangguniang Panglungsod ng Tayabas ay naging mahigpit ang pamantayan sa pagpili para sa mga Awardees tulad ng Gintong Manibela Awards mula sa TODA, Excellence Service Awards for Resorts and Hotels at iba pang awards sa Mayohan Festival 2018.

Sa major award na Gawad Mayohan na bahagi ng kriterya ay isang uri ng pa’yas na nagpaparamdam ng pasasalamat sa inang kalikasan at sa patron ng magsasaka, si San Isidro Labrador. May kabuuang isang daang libong piso ang prizes na magmula kay Gov. David “JayJay” Suarez (1st Prize – 50,000, 2nd Prize 30,000, 3rd Prize – 20,000) Ang gawad San Isidro Labrador ay tumanggap ng P 20,000.00 na ang Pa’yas ay may katangian ng pinagsamang Gawad Masagang Ani at Gawad magsasaka. Tumanggap naman ng P 15,000 pesos ang Gawad sa Masaganang Ani na ang disenyo ay nakahihigit sa kabuuan ay mga aning palay, gulay, prutas ay halaman. Ang Gawad Magsasaka naman ay tumanggap ng P10,000.00 pesos na kasama sa pinag basehan ay ang paglalagay ng mga replica o artipisyal na hayop na ginagamit sa pagsasaka. 
Tumanggap ng P50,000 pesos Cash Prize mula kay Gov. Suarez


Sa Special Award ay kasama ang Gintong Sinag Award – na iginawad sa may pinakamagandang Pa’yas na mas pinatingkad ng mga ilaw sa dilim ng gabi na mas kapansin pansin. P10,000.00 piso ang gantimpala sa GS Award. Sa Gantimpala ng Pasasalamat sa lahat ng nag Pa’yas na hindi pinalad ng mga gawad parangal ay tumanggap ng P 2,000.00 pesos. Sa mga nasabing gantimpala at parangal ay inihanda ni Ms. Rosselle Y. Villaverde, Tayabas City Tourism Officer na ipinakita ang pagpapahalaga sa Kultura at Turismo sa Tayabas.

Pinamunuan naman ni Mayor Ernida A. Reynoso ang Executive Committee na siyang nanguna sa pagsalubong kay Gov. Imee Marcos na naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon at sinabing astig ang mga kababaihan ng Tayabas pagdating sa tagayan. Hinikayat din ni Governor Marcos ang mga panauhin na bisitahin ang Ilocos Norte na bagaman at bastos ang mga pangalan ng kanilang pagkain ay masarap diumano ang mga ito. Ayon pa kay Mayor Reynoso ipinadiriwang nila ang Mayohan Festival dahil sila ay magsasaka at umaasa siya na patuloy ang pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka sa Tayabas. Sa mensahe ay sinabi ni Vice Mayor Nick Abesamis na suportado niya ang Mayohan Festival at naniniwala siya na sa pagtutulungan at pagkakaisa ay lalo pang gaganda ang Mayohan Festival.

Sinabi naman ni City Councilor Gerry Caagbay na kapag nakita nila ang pondo sa Kultura at Turismo ay agad nila itong inaaprubahan. Nararamdaman din ika niya ang kasiyahan sa pagdiriwang ng San Isidro Labrador. Umaasa naman itong si Councilor Wenda Saberola na higit pang gaganda ang susunod na Pahiyas. Nagpupugay naman sa patron ng magsasaka itong si Councilor Baasis na sa kanyang pananaw ay lumaki at naging kultura na sa Tayabas ang Mayohan Festival. Pagpupugay din sa mga magsasaka ang sinabi ni Coucilor Precy Glorioso at nagbigay din siya ng paggalang sa mga magsasaka.With reports – Ace Fernandez @ The Forum News Online.ph.com

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.