Upang ipakita ang kaniyang pakikiisa sa paglaban sa kahirapan, dumalo sa isinagawang worldwide walk to fight poverty ng kapatirang ng Igles...
Upang ipakita ang kaniyang pakikiisa sa paglaban sa kahirapan, dumalo sa isinagawang worldwide walk to fight poverty ng kapatirang ng Iglesia ni Kristo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.
Hindi inalintana ng alkalde ang paggising ng maagap upang makibahagi sa isang makasaysayang aktibidad na ito ng naturang relihiyon.
Nakamasa naman ni Mayor Alcala sa paglalakad na ito sina Councilors Anacleto Alcala III, Vic Paulo, William Noche at anak nitong si Engr. Wilbert Noche.
Dumalo rin sa nabanggit na okasyon sina Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña, Executive Assistant II Arnel Avila, ilang mga department heads at empleyado ng pamahalaang panlungsod.
Tinatayang aabot sa mahigit na 30,000 mga Lucenahin ang nakibahagi dito na kung saan ay nagsimula ang nasabing pagparada ng mga partisipante dito sa Governor Alcala Sports Complex sa loob ng Quezon National High School at nagtapos sa Perez Park sa bahagi ng Brgy. 10.
Tila nagkulay puti ang kalsada na dinaanan ng mga nakilahok dito dahilan sa suot ng mga ito na sumisimbolo sa isa sa kulay ng bandila ng Iglesia Ni Kristo.
Isa sa layunin rin ng isinagawang okasyong ito ay ang mapabilang sa Guiness Book of World Records bilang isa sa pinakamahabang parada na isinagawa bilang paglaban sa kahirapan.
Inabot ng halos tatlong oras ang pagparada ng mga nakibahagi sa aktibidad dahilan sa dami ng nakisali dito bilang pagpapakita nila ng pagsuporta sa naturang kampanyang ito.
At pagdating sa finish line ng nabanggit na parada, isa-isang iniaabot nina Mayor Alcala kasama ang mga ilang mga opisyales ng lungsod ang ibinigay sa kanilang wristband na siyang ibibigay ng mga organizer nito sa mga tauhan ng Guiness Book of World Recrds upang bilangin at alamin kung nakapasok ang mga ito sa nasabing kategorya.
Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa isiangawang worldwide walk to fight poverty ng kapatiran ng Iglesia Ni Kristo ay bilang pagpapakita niya ng pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng ito lalo’t higit sa ikabubuti ng kapwa at isa rin itong paraan upang ipakita ng punong lungsod na nakikiisa siya sa paglaban sa kahirapan, hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong mundo. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments