Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Mangagagawa, ay isinagawa rin ang isa sa mahahalagang sakramento ng pagiging kristiyano na binyagan s...
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Mangagagawa, ay isinagawa rin ang isa sa mahahalagang sakramento ng pagiging kristiyano na binyagan sa bahagi ng Barangay Marketview kamakailan.
Ito ay ang Binyagang Bayan na kung saan ay isinabay rin ito sa pagdiriwang ng kapistahan ng nasabing barangay na ang patron ay si San Pedro Manggagawa.
Pinangunahan ni Father Francis Binco ang naturang misa dito kasunod ang pagbibinyag sa tinatyang mahigit na 30 mga kabataan sa lugar.
Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad si Mayor Roderick “Dondon” Alcala na siyang tumayong ninong ng mga bininyagang mga kabataan kasama sina Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña at Chairman Edwin Napule.
Matapos ang isinagawang misa ng pagbibinyag sa mga bata, isinunod naman dito ang pagpapakuha ng litrato ng mga batang nabiyayaan ng binyag kasama asina Mayor Dondon Alcala, Kuya Totoy Traqueña, Kapitan Napule, ang kanilang magulang, ninong, at ninang.
Lubos rin ang kanilang naging pasaslamat kay Mayor Alcala at sa programa niyang ito na kung saan ay maraming mga kabataang Lucenahin ang labis na nakikinabang at nabibiyayaan sila ng isang mahalagang sakramento ng pagiging isang Kristiyano.
Ang Binyagang Bayan ay isa sa mga proyektoni Mayor Dondon Alcala para sa mga kabataang Lucenahin na libreng ipinagkakaloob sa simula pa ng maupo siya bilang alkalde ng Bagong Lucena.
Isa lamang ito sa kaniyang mga programa, kabilang na rin ang Kasalang Bayan, upang ang mga mamamayan ng Lucena ay mapalapit at magkaroon ng takot sa Diyos. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments