Sana po sa mga bagong kakandidato para sa Barangay lalo na ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan, na kung sila ay gumagamit o nagbebent...
Sana po sa mga bagong kakandidato para sa Barangay lalo na ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan, na kung sila ay gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamut ay huwag ng kayong kumandidato.
Ito ang ilang pa sa binanggit ni Police Senior Superientendent Rhodireck Armamento Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office kamakailan sa isinagawang Unity Walk.
Ayon kay PD Armamento, malalaman at malalaman rin aniya nila ito, nakakahiya lamang kung mapatunayan na nagbibinta at gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamut at lalong nakakahiya kung nakapagfile na sila ng Certificate of Candidacy.
Sapagkat ang PNP ay patuloy sa pagbalidate ng mga pangalan ng mga kandidato, tinitingnan nila ang profile ng mga ito.
Dagdag pa nito na kahit pa nakapagfile na sila ng COC ay kanilang itong huhulihin at sasampahan ng kaso.
Ayon pa rin kay Armamento, may utos ang Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ang mga kakandidato at dapat magsilbing halimbawa sa mga mamamayan at dapat hindi gumagamit ng droga.
Sinabi pa ni PSSupt. Rhodireck Armamento kamakailan lamang ay may parehong aktibidad rin na isinagawa kung saan sa isang programa ay sopresang binanggit dito na mayroon Drug test na gagawin.
At dahil sa sinabi ng Emcee ay halos ang mga nasaunahan hanay ng upuan na nasa dalawampo ay nagsipulasan.
Sa pagkakataon iyon ay pinatunayan lamang ng mga kakandidato sa barangay at sk election na mayroon gustong itago ang mga ito.
Samantalang sa huli ay sinabi ng naturang opisyal ng QPPO, sa mga naroon nating mga kababayan na sumaksi sa Unity Walk sana sa darating na election piliiin mabuti ang mga kandidato at huwag bumuto o maghalal na hindi kilala ang pagkatao ng bawat iboboto. (PIO Lucena- J. Maceda)

No comments