by Ace Fernandez MULANAY, Quezon -- Kamakailan ay muling binuksan ang pintuan na peace talk sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at CPP-N...
by Ace Fernandez
MULANAY, Quezon -- Kamakailan ay muling binuksan ang pintuan na peace talk sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at CPP-NDF-NPA at marami ang umaasa sa tuluyan ng magkakaroon ng kasunduang pang kapayaan ang gobyerno at ang komunistang grupo ni Joma Sison - Subalit sa panayam ng Sentinel Times Weekly kay M/Gen. Rhoderick Parayno, kasalukuyang Commanding General ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army–AFP ay hindi sinsiro ang CPP-NDF at armed wing nitong New People’s Army. Aniya, taliwas sa isinusulong sa usaping pangkapayapaan ang ginagawa ng NPA at dahil sa mga pag-atake sa mga sundalo at pribadong indibidwal at iba pang terrorist act kaya hindi sinsiro at hindi pwedeng pagkatiwalaan ang teroristang NPA.
Ang peace talk umano ay isang paraan lamang ng grupo nitong si Joma Sison upang mapalakas ang kanilang pwersa dagdag pa ni Gen. Parayno. Nilinaw din ng 2ndID Commanding General ang isyu ng paglabag sa human rights ng AFP ang paninikil umano sa mga magsasaka at mga mangagawa na isa sa mga sinasabing sektor na vulnirable sa pang-aabuso ng military.
Ayon kay M/General Parayno, hindi totoong sinisikil ng AFP ang karapatan ng mga mamamayan sapagkat nandun sila sa komunidad upang ipagtanggol ang mga karapatang pang-tao, ari-arian at buhay laban sa mga terorismong NPA.
Aniya, nabibigyan ng kapayapaan ang mga lugar kung saan merong sundalo ang AFP at wala ding sundalo umano sa mga pamayanang walang NPA. Hindi rin umano nag-e-extort sa mga magsasaka ang mga sundalo dahil may dalang pagkain ang mga ito kung saan sila may operasyon. Sa huli ay sinabi ni M/Gen. Parayno na sa kasalukuyang pag-uusap sa peace talk ay ito rin aniya ang magandang pagkakataon upang bumalik sa main stream ng society ang mga miyembro ng CPP-NDF-NPA para sila ay magkaroon ng puwang sa lipunan at mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya.
Aniya, walang mangyayari sa kanila kung patuloy nilang lalabanan ang gobyerno. Tiniyak din ni M/Gen. Parayno ang kaligtasan ng sinumang NPA na magbabalik sa poder ng pamahalaan at maranasan nila ang produktibong mamamayan sa isang lipunang nasa ilalim ng demokrasya. With reports – Ace Fernandez @ Laliga Pilipinas
This News Article is reported @ This News Article reported @ Magik 90.3FM News and Current Affairs, Prangkahan Radio Natin @ Lucban Quezon Hosted by Rico Catampungan and Sentinel Times Weekly.

No comments