Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGBIBIGAY INSENTIBO SA ILANG MGA REGISTERED FISHER FOLKS, MALAKING TULONG AYON SA MGA NAPAGKALOOBAN NITO

Nagbigay insentibo ang pamahalaang panlungsod sa ilang mga registered fisher folks sa lungsod kamakailan. Tinatayang dalawampu’t limang kat...

Nagbigay insentibo ang pamahalaang panlungsod sa ilang mga registered fisher folks sa lungsod kamakailan.

Tinatayang dalawampu’t limang katao mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod tulad ng Barangay Ransohan, Dalahican, Mayao Castillo, Mayao Parada at Talao-Talao na pawang mga nasa coastal area, ang napagkalooban ng insentibo.

Kabilang na dito sina Joey Lopez at Marcelino Repicio mula sa Barangay Dalahican, sa mga registered fisher folks na tumugon sa panawagan ng City Agriculturists Ofiice na magtanim ng bakawan.

Ayon sa kanila malaking bagay at tulong ang proyektong ito na nakakatulong upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan, gayundin ang proyekto na pagtatanim ng mga mangroves o ang tinatawag na bakawan ay Malaki din aniyang bagay lalo sa kanilang mga mamamayang nakatira sa mga nasa coastal area.

Bilang pareho silang mga mangingisda, ang pagtatanim ng bakawan ay Malaki ang kahalagahan para sa kanila dahilan sa ang bakawan ay ang siyang tinitirhan ng mga maliliit na isda gayundin ang siyang sumasangga sa mga malalakas na alon at hangin sa karagatan.

Ang pagtatanim ng bakawan ay alinsunod sa mga proyekto na mangroves reforestation project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa koordinasyon ng City government of Lucena.

Layunin nito na ma-sustain pa ang resources ng lungsod, mapadami pa ang mga aquatic animals at mapanatili ang kalinisan ng karagatan.

Sa huli ay nagpasalamat kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala, sina Lopez at Repicio sa ngalan ng lahat ng mga nabigyan ng insentibo. (PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.