by PIGLAS-Quezon Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon o PIGLAS Quezon, AnakPawis PartyList, Coco Levy Funds ...
Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon o PIGLAS Quezon, AnakPawis PartyList, Coco Levy Funds Ibalik sa Magniniyog o CLAIM Quezon, AMIHAN National Federation of Peasant Women, KARAPATAN Quezon Alyansa sa Pagtataguyod ng Karapatang Pantao at iba pang progresibong samahan sa lalawigan.
Sinalubong ng galit ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon ang pagbisita ni Pres. Rodrigo Roa Duterte, sa kadahilanang nananatiling salita parin ang pamamahagi ng bilyong pondo ng Coco-levy sa mga lehitimong magniniyog at nananatili ang atrasadong sistema ng niyugan kasabay ng kawalan ng lupa at hustisya, kapayapaan dahil sa sunod-sunod na operasyon militar habang walang maaayos na serbisyong panlipunan para sa mga magsasaka sa Quezon .
Umikot ang Mobile Propaganda Team sa bayan ng Mulanay bitbit ang kanilang mga panawagaasa pagsusulong ng Libreng pamamahagi sa lupa sa mga magsasaka, pagpapataas ng presyo ng kopra at buo, pagkundina sa pagtindi ng militarisasyon, pagtataguyod sa karapatang Pantao at maiging na pagsusulong sa Usapang Pangkapayapaan na nagbibigay ng posibilidad upang ugatin ang armadong tunggalian sa kanayunan.
Ayon sa mga protestante nang inanunsyo noong 2016 sa mga bayan sa South Quezon-Bondoc Peninsula ang pamamahagi ng bilyong pondo ng coco levy sa mga magniniyog. Ngunit sa pagpasok ng taong 2018 nananatiling palipad sa hangin ang mga salitang ito ni Duterte. Nangako siya na uunahin ang interes ng mga magsasaka at mamamayan sa Quezon, ngunit patuloy na lumalala ang krisis dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa TRAIN Law (Tax Reform or Accelaration and Inclusion Act.) habang bumubulusok pababa ng presyo ng mga produktong niyog katulad ng kopras, mababang sahod ng mga manggagawang bukid, mga iligal na kaltas at iba pa.
Anila habang tumitindi ang nararanasang krisis ng mga magsasaka sa lalawigan parikular sa usapin ng kawalang ng lupa at maaayos na repormang agraryo, nananatiling hawak ng iilan ang malalawak na lupain sa South-Quezon Bondoc Peninsula na tinaguriang Asyenda Belt. Tumitindi din ang mabangis na operasyong militar sa sibilyang komunidad ng halos 10 batalyong sundalo sa pangunguna ng 85th IB lumolobo ang paglabag sa karapatang-pantao, pagpaslang, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso, mga banta at pananakot sa mga magsasaka.
“Mariing kinukondina ng mga magsasaka sa Quezon ang pasistang atake ng Rehimeng US-Duterte. “Hindi na nga nito natugunan ang pangunahing krisis ng mga magsasaka sa halip na tugunan ang kawalan ng lupa pinapatindi pa ang mga banta sa mga lider magsasaka- at walang humpay na psywar sa mga lider-organisador na sina Arsenia Sias tagapangulo ng CLAIM Calauag, Genelyn Dihoso secretary General ng AnakPawis Partylist Quezon at mismong ako ay naakaranas din ng mga serye ng red-baiting, walang basehang mga bintang, at pagpapakalat ng mga itim na propaganda habang sinisikil ang karapatang namin mag organisa. “ sabi ni Andres De La Cruz ang pangulo ng PIGLAS-Quezon.
Aniya sa bayan ng San Francisco hindi mabilang na dekada ng nagtatanim at nagpapaunlad ang mga magsasaka sa Asyenda Matias na may lawak na 1713 Ektarya (5,000 ektarya sa kabuuan) at gayun din sa bayan ng san Andres at San Narciso ang Asyenda Uy na may lawak na 2,500 ektarya lupain. Ngunit sa halip na ipamahagi ito ng libre ay madugo ang markang iniwan sa mga nagbubungkal sa anyo ng pagpapatupad ng mga huwad na reporma sa Lupa katulad ng CARP at CLOA, sabwatan ng mga kapitalista at mga panginoong May Lupa na sinasabing pasture land sa kabila na isa itong produktibong o agrikultural na lupain, sa halip na tugunan ang kanilang hiaing na makapagsaka ay mga gawa-gawang kaso, at paglalagay ng mga kampo , goons at private army sa lupain na sapilitang gumigipit at nagbabanta sakanila kapag hindi nagsusulit ng kopras ang mga magsasaka sa bodega ni Dr. Uy.
Ayon sa mga protestante hindi na bago ang anti-mamamayan at pasistang atake ng kasalukuyang Pangulo sa malawak na hanay na mamamayan, lalong nalalantad ang mukha ng mamamatay tao, habang dinudurog ang Marawi at mamamayang Moro, pagkitil sa mahigit 13,000 mamamayan sa anyo ng gyera kontra droga nito. Isa na si Nanay Fe delos Santos 64 taong gulang na pinaslang noong Marso 7 sa bayan ng Lopez sa kadahilinang ina siya ng isang NPA kaya ang walang laban na sibilyan ang pinagbalingan ng 85th IB at mga pasistang galamay ng AFP.
Dagdag pa nila hindi sumasalamin sa tunay na kapayapaan ang Oplan Kapayapaan isang desperadong hakbang lamang ito habang ibinabandera ng 2nd IDPA at SOLCOM ang huwad na CLIP (Comprehensive Local Integration Program) at pagparada sa mga di umanoy mahigit 10,000 NPA. Ngunit nauwi lamang ang pangakong tahimik na buhay sa tuluyang pagkabaon sa hirap dahil sa pakikipagkasundo sa mga pasistang ahente ni Duterte.
“Dapat higit na magkaisa ang ating hanay sa adhikain na isulong ang lehitimong karapatan ng mga magsasaka at higit na labanan at ilantad ang pahirap na Rehimeng US-Duterte kasabay ng kampanya para sa libreng pamamahagi ng lupa, Kapayapaan at pagtataguyod sa kagalingan ng mga maralita” Dagdag pa ni De La Cruz. (PIGLAS-Quezon)
No comments