Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagkakaroon ng Allowance ng mga Senior Citizen sa Barangay Ibabang Dupay, nais gawin ni Kapitan Jacinto “Boy” Jaca

“Marami pa po mga proyekto at programa gagawin at ipapatupad ang Barangay Ibabang Dupay ngayon taon”. Ito ang naging pahayag ni Kapitan Jac...

“Marami pa po mga proyekto at programa gagawin at ipapatupad ang Barangay Ibabang Dupay ngayon taon”.

Ito ang naging pahayag ni Kapitan Jacinto “Boy” Jaca ng nasabing barangay sa panayam ng TV12 Kamakailan.

Ayon kay Jaca, ang mga proyektong gagawin sa kanilang barangay ay tulad ng tuloy tuloy na pagsasaayos ng ilang kalsada sa ilang purok, pailaw sa bawat purok, pagpapagawa ng pathway at iba pa at anuman oras ay sisimulan na ito ngayon taon.

Ayon pa sa Kapitan, ang pundo na gagamitin sa mga proyektong nabanggit ay ang natitirang annual budget ng kanilang barangay na naipasa sa kamakailan sa sangguniang panlungsod.

Samantalang sinabi naman ni Chairman Boy Jaca, binabalak at nais niyang gawin sa susunod na taon kung siyang muling papalarin, bukod sa ibinibigay ng pamahalaaan panlungsod sa kabutihan loob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na birthday cash gift, libreng konsulta, libreng gamut sa mga senior citizen at iba pa.

Ayon kay Jaca ay ang pagbibigyan ng allowance ang mga Senior Citizen sa kanilang Barangay.

Ilan pa sa naging proyekto at programa na kanilang nagawa ay ang Oplan hatid dwellers, pagbabawal sa mga bata sa computer shop sa dis-oras ng gabi at iba pa. (PIO Lucena- J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.