Kaugnay sa isinagawang pagbibigay ng insentibo sa mga mangingisda ng pamahalaan panlungsod sa ilang mga Barangay dito sa lucena dahilan sa ...
Kaugnay sa isinagawang pagbibigay ng insentibo sa mga mangingisda ng pamahalaan panlungsod sa ilang mga Barangay dito sa lucena dahilan sa pagtatanim ng mga ito ng bakawan sa coastal area na nasasakupan nila.
Ang itinanim nila na bakawan ay bahagi ng proyektong mangrove at Reforestation Project na covered ng MOA sa pagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng City Government of Lucena.
Ito ang binanggit pa ni Melissa Letargo Hepe ng City Agriculturist Office sa panayam naman ng TV12 kamakailan.
Ayon kay Letargo ang pagtatanim na ito ng Mangrove ay bilang preparation para sa Aquacilvic Culture Project na ilulunsad ng BFAR.
Ayon pa rin sa opisyales ng naturang tanggapan ang project duration ng pagtatanim ng mangrove ay nagsimula noon August 1, 2017 at ito ay hanggang July 31, 2018.
Samantalang sinabi naman ni Melissa Letargo na ngayon aniya target ng pamahalaan panlugsod sa pangunguna ng kanilang tanggapan kasama ang ilang mga mangingisda sa bawat coastal area na makapagtanim ng mangrove profagules na 50,000 pcs sa lungsod. (PIO Lucena- J. Maceda)
No comments