LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang pagtulong sa pagsasagawa ng taunang aktibidad ng mga pampublikong paralan sa lungsod na Brigada Eskwe...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang pagtulong sa pagsasagawa ng taunang aktibidad ng mga pampublikong paralan sa lungsod na Brigada Eskwela, namahagi ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlungsod sa mga ito kamakailan.
Ginanap ang naturang pamamahagi sa conference room ng City Mayor’s Office na kung saan ay pinangunahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Dumalo sa aktibidad na nabanggit ang halos lahat ng mga punong guro, guro at presidente ng Parent Teachers Association ng mga public school sa Lucena upang tanggapin ang tulong pinansyal.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na taon-taon isinasagawa ang pamamahaging ito ng tulong sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungosd na kung saan ay ang ibinibigay dito ay mga pintura at ilang mga kagamitan na kanilang gagamitin sa pagsasagawa nito.
Minabuti aniya ng city government na ibigay ngayon sa mga pamunuaan ng paaralan na financial assistance na ang ipagkaloob sa mga ito dahilan sa ilang mga problema na nararanasan noon.
Isa sa mga problemang tinutukoy ng alkalde ay ang huling pagdating ng mga pintura at ilang kagamitan na gagamitin para sa nabanggit na aktibidad.
Ibinatay sa laki ng mga pampublikong paaralan ang tulong pinansyal na ibinigay sa mga ito na kung saan ang small schools ay tumanggap ng halagang P25,000, ang meduim schools naman ay P30,000 at sa big schools naman ay P35,000 samantalanag ang lahat naman ng public high schools ay tumanggap ng P45,000.
Binanggit rin ni Mayor Alcala sa lahat ng mga dumalo dito na sa susunod na buwan ay muling mamamahagi ng libreng school supplies ang pamahalaang panlungsod kung kaya maaari na rin aniyang banggitin ng mga guro sa public schools ito sa lahat ng mga magulang ng magsisipag-aral sa kanilang paaralan upang sa ganun ay hindi na ang mga ito bumili pa.
Ang pamamahaging ito ng cash asisstance para sa mga pampublikong paaralan na gagamitin para sa kanilang brigada eskwela ay bilang bahagi pa rin ng pagtulong ni Mayor Dondon sa DepEd Lucena upang maging maayos at maganda ang mga paaralan sa lungsod ng Lucena at maenganyo ang mga kabataan na pumasok sa kanilang pag-aaral. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments