Lucban Mayor Olivier “Oli” Dator and Acel Dator by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano LUCBAN, Quezon -- Mula noon, ...
Lucban Mayor Olivier “Oli” Dator and Acel Dator |
LUCBAN, Quezon -- Mula noon, hanggang ngayon ay hindi matatawaran ang kakayahan at katapatan sa mamamayan ng pamilya Dator sapagkat ito ay isa ng tradisyon at kultura ang maging mabuting lingkod ng bayan” ito ang sinabi ni Hobart Dator ng kapanayamin ng Sentinel Times kamakailan.
Aniya, simula sa kanilang ama na si dating Mayor Hobart Dator Sr.,kapatid na si Atty. Serafin “Apen” Dator at ang kanyang pamangkin na si Mayor Olivier “Oli”Dator ay ipinakita nila ang halimbawa ng isang mabuting lingkod ng bayan. Hindi kailanman sisirain ng alinman sa pamilya Dator ang sinimulan ng kanyang ama na kinikilala ang kapangyarihan ng taong bayan ilang dekada na ang nakalilipas dagdag pa ni Hobart.
Sa nasabing panayam ay naglahad din ng kanyang pananaw itong si Mayor “Oli” Dator na ang paglilingkod sa bayan ay may sukatan ng pagkakataon at ang lahat ng mga hamon at pagsubok bilang ama ang bayan ng Lucban ay nagpapatatag sa pundasyon ng kayang paniniwala na higit kailan man gaano man kahirap ang kanyang pinagdaraanan-ang mga mamamayan na kanyang pinaglilingkuran ay hindi niya kayang talikuran.
Aniya, patuloy niyang tinutupad ang mga pangako at mga pangarap para sa kanyang mga kababayan tulad ng mga proyektong ipinagkakaloob ng gobyerno partikular ang farm to market, bypass road at iba pang infrastructure projects na nagbibigay daan sa kaunlaran ng kanilang bayan. Ayon kay Mayor Dator, ang pinalakas na serbisyong pangkalusugan at tulong pinansyal sa mga senior citizens at sa mga less fortunate niyang kababayan ay bahagi ng social reform agenda na kanyang isinusulong sa local na pamahalaan. Ang komprehensibong programang pangkalusugan (Comprehensive health program) ay bahagi ng kanyang pang matagal ng plano para matugunan ang serbisyong medikal ng mahihirap niyang kababayan at katunayan ika niya ay malapit ng buksan ang Polymedic Hospital na may-roong X-ray laboratory facilitiesat iba pang extended services sa medical at dental health program.
Ang pag convert sa District Hospital ng dating Health Center ay bahagi rin ng kanyang health program na ayon kay Mayor Dator ay hihingi siya ng tulong kay Gov. David Jayjay Suarez para sa transition period nito sa pamamagitan ng extended professional support mula sa mga resident doctors at mga dalubhasang doktor mula sa Quezon Medical Medical Center (QMC). “Atin ng pinamamadaliang District Hospital bagaman kakailanganin parin nito ang legislation, ayon pa sa alkalde.Ang “Sining Lucban, Galing Lucban” ay isang konsepto upang maipakita ang talento at mga produkto, upang palakasin pa ang turismo sa bayan ng Lucban at ang paglalagay ng“Calle Hermano Puli” kung saan magiging sentro at showcase ng mga likha at produktong Lucban ay isang paraan upang mapalakas pa ang turismo bukod sa kinagawian ng Pahiyas Festival at Buhusan Festival ng naturang bayan na tinaguriang Summer and Art Capital ng lalawigan.
Sa pagpapatuloy, ay sinabi pa ni Mayor Oli Dator sa Sentinal Times na sa nalalapit na Pahiyas Festival 2018 ay magkakaroon ng dagdag na activity sa pahiyas na siyang magpapatingkad ng Kultura at Sining ng Lucban para sa mga bagong atraksyon na makikita ngmga local at mga turistang banyaga na ang mga produktong Lucban ang bibigyan ngpagpapahalaga sa nasabing Pahiyas Festival. Samantala ang pagiging Abaca Capital Industry sa CALABARZON ay programang pagkabuhayan na magiging alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka sa LucbanQuezon at nagpapasalamat itong si Mayor Oli Dator sa suportang ibinigay ni Gov. Jayjay Suarez sa nasabing proyekto.With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano @ The Philippine Updates online news
No comments