(Photo Courtesy of http://pro4a.pnp.gov.ph/) by Nimfa Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sinampahan na ng kasong Robbery with Ho...
(Photo Courtesy of http://pro4a.pnp.gov.ph/) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Sinampahan na ng kasong Robbery with Homicide na may parusang hanggang 17-taong pagkakakulong si Jomar Manglapaz Aganan, ang suspek sa pagpatay sa isang 19-anyos na babaeng boutique saleslady na si Vheanca Punzalan. Dahil sa pag-amin ng akusado sa krimen mababang sistensya ang naging desisyon ng korte.
Diumano’y matagal nagtago sa Bicol ang suspek hanggang bumalik sa Quezon, kung saan siya nasangkot sa iba’t ibang krimen hanggang sa maaresto noong Marso.
Nobyembre 2017 nang natagpuan ng mga opisyal ng barangay ang pinagsasaksak na bangkay ni Punzalan sa loob ng binabantayang tindahan. Naiwan pang nakasaksak sa mata ng dalaga ang kutsilyo.
Ayon sa ulat nalutas ng Lucena police ang kaso ng pagpatay kay Vheanca matapos maaresto ang suspek sa ibang krimen. Dahil sa kasong theft nahuli ng pulisya ang suspek na si Jomar Aganan, 23 anyos.
Kalaunan, matapos umanong makonsensiya, inamin ng suspek na siya pumaslang sa biktima noong Nobyembre.
“Hindi ko po balak na siya’y patayin. Tinutukan ko lang siya ng kutsilyo tapos inagaw niya sa ‘kin... Doon na po kami nagpangbuno dalawa,” kuwento ng suspek.
Ayon naman kay Superintendent Vicente Cabatingan, nasa impluwensiya ng droga ang suspek nang patayin ang dalaga.
“Two days na siyang walang kain, rugby lang ang ginawa niyang pantawid gutom. No’ng pinasok niya itong babaeng ito, sinabi niya sa revelation niya, hold-up lang ang talaga purpose niya,” ani Cabatingan.
Tiniyak naman ni Chief Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng Calabarzon police, na tututukan nila ang mga krimeng gaya ng kay Punzalan para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
No comments