Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Recertification Ceremony ng GAD Local Learning Hub, Isinagawa

Lungsod ng Lucena , Quezon -- Patuloy na kinikilala ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga natatangi at mahusay nitong mga programa ...

Lungsod ng Lucena , Quezon -- Patuloy na kinikilala ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga natatangi at mahusay nitong mga programa na ipinatutupad sa lalawigan sa ilalim ng liderato ni Gob. David C. Suarez.

Sa flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes, isinagawa sa Quezon Convention Center ang recertification ceremony ng lalawigan bilang Gender and Development Local Learning Hub ng Philippine Commission on Women.

Binigyang-pagkilala rin ang ilang mga programa sa lalawigan tulad ng Quezon’s Sustainable Community-Based Greening Program at Lingap Kalusugan Para Sa Barangay.

Para kay Provincial Administrator Romulo Edaño, Jr., maituturing na isang makasaysayang pangyayari ang pagkilala sa PGAD Office ng lalawigan bilang Local Learning Hub sa pangunguna ni Gng. Ofelia Palayan.

“Maituturing po na isang malaking programa ito na maaari pang sundan ng iba pang mga pamahalaang lokal sa bansa. Hindi po tumitigil ang mga bumibisitang LGU sa lalawigan upang magsaliksik ng mga istorya sa likod ng isang matagumpay na GAD program.” ayon kay Edaño.

Ayon naman kay Philippine Commission on Women, Executive Director Emmeline Verzosa, tunay na kahanga-hanga ang mga proyektong ipinatutupad sa lalawigan ng Quezon. Aniya, naniniwala siya sa kagalingang taglay ng lalawigan pagdating sa mga sustenableng programang ipinatutupad dito.

“The Philippine Commission on Women will continue to work with the Province of Quezon and we would also like to learn from you so we can continue to improve the work in the national system.” pahayag ni Verzosa.

Bilang pangwakas, nagpasalamat si Board Member Rodora Tan sa tanggapan ng Philippine Commission on Women sa pagbibigay ng pagkilala sa lalawigan.

“We owe it to PCW who opened the door for gender and sensitivity. The Provincial Government of Quezon is grateful and honored. The hard work of everyone is once again rewarded. As a chairperson of Sangguniang Panlalawigan Committee on Women’s and Family and Gender and Development I want to express my commitment and continuous support to the programs, policy formulation and the overall function of the PGAD Office.” ayon kay Tan.

Sa mga pagkilalang patuloy na nakakamit ng lalawigan at alinsunod sa kanyang Next 3, Best 3 Years ng panunungkulan , naniniwala si Gob. Suarez na unti-unting mapapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga Quezonian sa tulong ng mga sustenable at progresibong programa na ipinatutupad sa ilalim ng kanyang pamamahala. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.