Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Reunion ng Batch 88 ng Sacred Heart College, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Bilang pakikiisa sa kaniyang mga naging kamag-aral sa pinasukang paaralan, dumalo sa isinagawang reunion ng Batch 88 ng Sacred heart Colleg...

Bilang pakikiisa sa kaniyang mga naging kamag-aral sa pinasukang paaralan, dumalo sa isinagawang reunion ng Batch 88 ng Sacred heart College si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang misa na idinaos sa nasabing paaralan kasunod ang pagpapakuha ng mga larawan ng mga ito.

At matapos ang kanilang isinagawang pagpapakuha ng larawan ay nagsagawa naman ang mga ito ng motorcade sa ilang kalsada ng Lucena hanggang makarating sa isang restaurant sa bahagi ng Brgy. Gulang-Gulang.

Dito ay nagsagawa nang isang maiksing programa na kung saan ay naging bisita nila ang ilang mga guro na nagturo sa kanila noong sila ay nag-aaral pa sa Sacred Heart College.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga ito at nagbahagi rin ng kanilang karanasan bilang kanilang mga guro na kung saan ay halos tawanan ang maririnig sa mga nagsipagdalo dito dahilan sa inalala nila ang kanilang mga kabataan.

Sa naging pananalita naman ni mayor Dondon Alcala sa kaniyang mga ka-batch, sinabi nito na isang magandang pagkakataon na magkaroon ng anitong uri ng okasyon dahilan sa muling nagkikita-kita ang lahat ng kanilang magkaka-batch at alamin ang kanilang naging buhay.

Kaniyang ibinahagi rin sa mga ito ang kaniyang personal na naging karanasan noong siya ay estudyante palamang at pabirng sinabi na napagbintingan siyang mayroong hinalikan na kaklase na labis namang pinagtawanan ng mga dumalo dito.

Dagdag pa rin ng alkalde, sakali aniyang mayroong mga pangangailangan ang mga ito ay inihayag niya ang buong pagsuporta sa kanila at nakahanda rin aniya siyang tulungan ang mga ito sa kanilang mga gagawing programa at proyekto.

Masayang masaya naman ang lahat ng mga Bath 88 sa ginawang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa kanilang reunion sa kabla ng dami ng mga lakad at gawain nito bilang isang punong lungsod gayundin ang pagsuporta sa kanilang mga programa at proyekto.

Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa naturang reunion ay isang paraan niya ng pagpapakita niya ng pagsuporta sa lahat ng kaniyang mga naging ka-batch at upang makahalubilo rin ang mga ito namatagal tagal na rin niyang hindi nakakasama. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.