by Allan P. Llaneta Sariaya, Quezon -- Dead on the spot ng isang municipal councilor makaraan itong pagbabarilin ng riding in tandem na s...
by Allan P. Llaneta
Sariaya, Quezon -- Dead on the spot ng isang municipal councilor makaraan itong pagbabarilin ng riding in tandem na suspek sa Brgy Sampaloc 2 sa Sariaya Quezon kahapon.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Sariaya Quezon Councilor Aristeo Ilao 55 anyos.
Ayon sa Quezon PNP, pasado alas 9:00 ng umaga, nasa loob nang kanilang bahay ang biktima nang bigla na lang dumating ang dalawang suspek at malapitan itong pinagbabaril.
Tama sa ulo ng bala na di pa matukoy na kalibre ng baril ang agarang pumatay sa biktima.
Samantala tumakas ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo matapos ang pamamaslang.
Sa follow up operation naman nang pinagsanib na pwersa ng Sariaya PNP at Regional Intelligence Unit ng PNP, pasado 1:00 pm noong Mayo 10 nang masakote ang mga tinuturong suspek na sina Ramil Manaloto Gesmundo at Reynaldo Manaloto Gesmundo pawang mga kapatid nang asawa nang pinaslang na konsehal.
Sa imbestigasyon rin ng mga awtoridad sinasabing sobrang galit nang mga suspek sa konsehal kaya nila ito pinatay.
No comments