Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

2ND QUARTERLY MEETING NG LUCENA CITY COUNCIL ON DISABILITY AFFAIRS, IDINAOS

Isinagawa kamakailan ang ikalawang kwarter na pagpupulong ng mga miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs o LCCDA. Dito ay ipr...

Isinagawa kamakailan ang ikalawang kwarter na pagpupulong ng mga miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs o LCCDA.

Dito ay iprinisenta ang ibat’t ibang tanggapan at organisasyon na kabilang sa bawat komitibang naaayon sa kanilang gampanin tulad na lang ng Committee on Education, Accessibility, Participation, Data and Evidence, Social Protection, Emergencies and Disasters, Health at Livelihood.

Alinsunod ito sa Executive Order No. 005 Series of 2018 Order o ang Re-organizing and expanding the membership of the LCCDA kaugnay na din sa napag-usapan noong first quarter meeting na pagsasamahin ang bawat grupo na naaayon sa tungkulin nila sa mga PWDs.

Inilahad din sa meeting ang lahat ng mga programa at aktibidades para sa mga PWDs na naisakatuparan at naipatupad sa tulong ng lahat ng miyembro ng komitiba lalo’t higit ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Ilan nga sa mga ito ay ang pagdiriwang ng “Happy hearts day celebration” para sa kanila noong buwan ng Pebrero at “Women’s month celebration noong buwan ng Marso na kung saan ang mga ito ay napagsilbihan ng libreng ultrasound, ang Handog kaarawan activities kabilang na ang pamamahagi ng birthday cash gift sa mga ito, ang kamakailan lang na inilunsad na customized motorcabs at iba pa.

Gayundin ay inilahad dito ang mga local codes sa lungsod para sa mga natatanging sektor ng lipunan at ang mga proyektong kanilang pinaplano para sa darating na ika- apat na pong taon ng selebrasyon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa darating na ika- labing pito hanggang dalawampu’t tatlo sa buwan ng hulyo.

Bukod sa mga representante ng bawat opisina ay dumalo din sa pagpupulong sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr.; Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, Chairperson ng Committee on Person with Disabilities; Malou Maralit, hepe ng City Social Welfare at Cristy Fernandez, hepe ng PDAO.

Sa huli ay inaasahan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat para sa mga programa para sa PWDs sa lungsod at sa matagumpay na pagpapatupad ng mga ito para sa kanila. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.