Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

4th SUMMER PROGRAM NG CITY LIBRARY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

“Layunin ng tanggapan ng City Library na makapagbigay ng libreng access ng impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng mga serbisyo at program...

“Layunin ng tanggapan ng City Library na makapagbigay ng libreng access ng impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng mga serbisyo at programang aming inihahandog”, ito ang naging pahayag ni Miled Ibeas, hepe ng nasabing tanggapan sa naging panayam sa kanya ng TV12 kamakailan.

Kaugnay ito sa katatapos lang na ika apat na library summer program ng panlungsod na aklatan na ginanap sa LCGC.

Sa tulong ng lahat ng empleyado ng opisina ay nag organisa sila ng isang forum na pinamagatang Start a Business, Change Lives.

Alinsunod na din ito sa iniatas ng National Library sa lahat ng pampublikong silid-aklatan sa Pilipinas na magsagawa ng isang kakaibang aktibidad para sa publiko na magpo-promote ng mga libraries sa bawat lugar gayundin ang panghihikayat sa mga tao ng pagbabasa kaisa sa ibinigay nilang tema na Kultura, Karunungan, Kalusugan, Kabuhayan at Kalikasan o ang 5K para maging OK sa aklatan.

Nagsilbing partisipante naman sa programa ang mga natatanging sektor, Senior Citizens, DepEd Alternative Learning System Learners ng West 1 Elementary School, Special Education at BS Entrepreneur students ng Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena na kung matatandaan ay sa loob ng apat na taong Summer programs ng City Library ay ang mga ito ang pinipiling maging kalahok

Nagbigay tips at information naman si Pablito Budoy, representative mula sa Department of Trade and Industry na siyang naging resource person sa unang bahagi ng forum.

Lubos namang nagpapasalamat si Ibeas kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala para sa suporta na ipininagkakaloob nito sa kanilang ahensya.

Dagdag pa nito, sa lahat ng naging programa ng City Library ay laging nakahandang tumulong ang alkalde.

Isa pa din sa ipinagpapasalamat ni Ibeas ay ang pagsasaayos ng kanilang opisina sa Old City Hall building na dati aniya’y nasa ikalawa silang palapag na hindi maikakailang may ilang mga senior citizens at PWDs na nahihirapang pumunta dito, ngayon ay inililipat na ito sa unang palapag na mas pinaganda at maituturing na napakalaking bagay para sa kanila.

Marami naman sa mga mamamayan na nakilahok ang natuwa para sa pagkakaroon ng oportunidad na maging kabahagi ng aktibidad.

Gayundin ay malaki ang maitutulong nito para sa mga mamamayang Lucenahin. Ayon kay Larrywel Enriquez, Education Program Specialist II ng School’s Division Office Lucena, ang pagsasagawa nito ay makakatulong sa mga out of school youth and adults sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman at kasanayan para makapagsimula ng kanilang maaaring negosyo o kabuhayan at mabigyan din sila ng pagkakataon na makilahok sa mga gawain na makakapagpaunlad pa ng kanilang pamumuhay.

At kung mabibigyan din aniya sila ng oportunidad ay ninanais nila na makipag tulungan at makipag- ugnayan sa DTI dahilan sa ang ALS aniya ay mayroong skills enhancement program tulad ng bread and pastry production, welding, dressmaking, scientific therapeutic body massage, at iba pang Skills enhancement training na sinusuportahan ng local government unit at ng deped lucena

Dito aniya ay Malaki ang maitutulong ng DTI para makapagsimula sila ng mapagkakakitaan na maaaring magamit ang kanilang kasanayan at kaalaman na para makabuo ng iba’t ibang produkto at mas mapaunlad at mapalawak ang produksyon ng mga bagay na nililikha nila.

Inaasahan naman ang patuloy na pagsasagawa ng City Library ng mga proyekto at programa para mas maging epektibo pa ang pagbibigay serbisyo nila sa mamamayang Lucenahin. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.