Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong hepe ng lucena pnp, nagbigay kortesiya sa Sanguniang Panlungsod

Matapos ang ilang linggong pagkaantala ng pagbibigay ng kortesiya ng bagong hepe ng polisya na  si P/Supt. Romulo Albacea dahil sa sunod-su...

Matapos ang ilang linggong pagkaantala ng pagbibigay ng kortesiya ng bagong hepe ng polisya na  si P/Supt. Romulo Albacea dahil sa sunod-sunod na aktibidad gaya ng eleksyon at pasayahan sa Lucena 2018, ay humarap na si albacea nitong lunes sa sangguniang panlungsod.

Inilahad ng bagong hepe na tubong tagkawayan  ang mga lugar na kanyang nabigyan ng serbisyo bago pa man siya madestino sa lungsod ng lucena.

Ayon dito, agad itong nadestino sa autonomous region sa Mindanao sa loob ng 5 taon at pagkatapos ay nabigyan na ng pagkakataon na maaasign  sa iba’t-ibang mga bayan sa probinysa ng Quezon tulad ng san Francisco Quezon , Tagkawayan ,  Mulanay , Gumaca, at Lopez at pagkaraa’y  nalipat sa Quezon Police Provincial Office o QPPO at itinalaga bilang provincial director for operation makaraang magamapanan ang kanyang tungkulin bilang inteligence officer.

Samantala, sinamantala na rin ng hepe ang pagkakataon at  inilahad sa konseho ang mga naging accomplisments na ng kanyang grupo sa loob lamang n 28 araw na  panunungkulan niya  bilang hepe ng lucena police station kung saan 17 drug pusher na ang kanilang  naaresto kung saan mahigit 2 milyon at 500 libong pisong halaga na ng shabu ang kanilang nakumpiska gayundin ang pagkakadakip nila sa  11 wanted person.

Sa kabila rin umano ng mga agam-agam ng karamihan sa kanyang kakayahan bilang pinuno ng polisya dahil hindi naman umano lingid sa kanyang kaalaman ang di matawarang galing na ipinakita ng pinaltan nyang hepe na collonel cabatingan, tiniyak nito sa mga lucenahin na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga  naumpisahang gawain ni cabatingan at nangakong hindi man niya ito mahigitan, ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya mapanatili lamang ang kaayusan at katahimikan sa lungsod.

Naniniwala si albacea na sa tulong ng kanyang mga naging karanasan sa mga nakaraan nyang panunungkulan bilang hepe ng ibang bayan at  probinsya maging ng mhga kasamahan sa pulisya,  kakayanin niyang solusyonan  ang mga kinakaharap at kakaharapin pang mga problema ng lucena.  (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.