Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bb. Pilipinas Universe Catriona Gray nag-Reyna Elena sa Flores de Mayo 2018

Catriona Gray and Luis Hontiveros (Photo Courtesy of  EverythingQuezon ) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ...

Catriona Gray and Luis Hontiveros (Photo Courtesy of EverythingQuezon)


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Pasayahan sa Lucena, matagumpay na isinagawa ang isa sa pinaka-abangang okasyon dito na Flores De Mayo.

Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang naturang okasyon na kung saan ay...Turn to p/3 naging kapareha nito ang kaniyang maybahay na si Mam Maggie Alcala.

Kasama rin ni Mayor Dondon Alcala sa nasabing aktibidad ang Hermano at Hermana nito na sina Gaspar Ong at Engr. Lucila Clamor gayundin ang kaniyang anak na si Mark Alcala at ang partner nito.

Maging sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., Chief of Staff Mary Mitzi Co at Councilor Atty. Sunshine Abcede-llaga ay nakibahagi rin sa nasabing Flores De Mayo habang naging panauhing pandangal naman dito si Bb. Pilipinas Universe Catriona Gray.

Nagsimila ang naturang aktibidad sa Pacific Mall gounds at binaybaynito ang kahabaan ng Gomez Street patungo ng Quezon Avenue at nagtapos naman sa STI Gymnasium sa bahagi ng Brgy. 9.

Dito ay ipinarada ng ilang mga fashion designer sa lungsod ang kani-kanilang disenyo ng gown bilang bahagi ng patimpalak dito.

Aabot sa tiantayang mahigit na 20 mga partisipante mula sa lungsod at maging sa karatig na bayan ang nakilahok sa nabanggit na patimpalak.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala sa maiksing progrma na isinagawa dito, pinasalamatan nito si Pasayahan sa Lucena Chairmn Arween Flores dahilan sa ginagawa nitong matagumpay na pagdaraos ng mga aktibidad sa nasabing pagdiriwang.

Dagdag pa ng alkalde, bago pa man magsimula ang PSL ay kaniya na ring binigyang bilin si Flores na mas pagandahin pa ang pagdiriwang na dito na siya namang patuloy na ginagawa nito.

Bukod kay Arween Flores, pinasalamatan rin ng punong lungsod sina Hermano Gaspar Ong at hermana Engr. Lucila Clamor sa pagtulong nito sa pagdiriwang ng Flores De Mayo.

Binati rin ni mayor Alcala ang lahat ngmga designers at ang mga muses ng mga ito dahilan sa aniya ay nagsipagwagi na silang lahat dahilan sa ipinakita ng mga ito sa ginawang pagparada sa ilanglansangan ng lungsod at sa pagpapakita sa mga Lucenahin kung gaano kaganda ang kanilang ginawang disenyo na gown.

Ang pagdaraos ng Flores De Mayo ay taon-taong isinasagawa bilang bahagi ng Pasayahan sa Lucena na kung saan ay ipinapakita dito ang iba’t-ibang disenyo na ginawa ng mga lokal fashion designers at ito ay isang paraan rin bilang bahagi rin ng pagbibigay galang kay Birheng Maria.(PIO LUcena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.