Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA, ITINANGHAL NA KAMPEON SA STREET DANCING COMPETITION NG PASAYAHAN SA LUCENA

Isinagawa kamakailan ang isa sa pinaka-inaabangan at itinuturing na pinaka-highlight ng pagdiriwang sa kapistahan ng lungsod ng Lucena, Ang...

Isinagawa kamakailan ang isa sa pinaka-inaabangan at itinuturing na pinaka-highlight ng pagdiriwang sa kapistahan ng lungsod ng Lucena, Ang Pasayahan sa Lucena Grand Parade 2018.

Kabilang nga sa aktibidades na bahagi ng parada ay ang pagsayaw at pag-indak ng mga street dancers na kinatawan ng iba’t ibang barangay at paaralan sa lungsod para sa street dancing competition.

Kanya-kanyang pakulo ang bawat contestants para magpakitang gilas sa pagsayaw at paggalaw kasabay ng tugutugin na Pasayahan theme.

Pumarada sila mula sa kahabaan ng Barangay Ibabang Iyam papunta sa may Main stage ng Pasayahan sa bahagi ng Quezon Avenue corner M.L. Tagarao Street para sabay- sabay na magtanghal ng isang minuto nilang performance sa harap ng mga judges. Matapos ito ay magpapatuloy sila sa pagparada hanggang makarating sa SM City Lucena kung saan nila sasayawin ang kabuuan ng kanilang inihandang street dance piece.

Matapos ang presentasyon ng lahat ng kalahok ay tinanghal na kampeon ang pambato ng Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena.

Mas makulay, mas masigla at mas magandang sayaw ang ipinamalas ng nasabing grupo na binubuo ng mga Iskolar ng bayan, bitbit ang iba’t ibang palamuti tulad ng mga makukulay na bulaklak at mascara na nagpaganda sa bawat pag-indak at ang mga bagay na kumakatawan sa patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena tulad ng chami at tinapa na ipinagmamalaking produkto ng lungsod.

Nagwagi naman sa ikalawang pwesto ang street dancers mula sa Barangay Gulang-gulang. Dito ipinakita ng barangay ang patuloy na pagyabong at pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang pagsayaw at mga magagarbong kasuotan na nagsasaad at nagpapakita ng patuloy ding pag asenso ng Gulang-gulang sa industriya ng pangangalakal.

Tinanghal namang 3rd place ang Sacred Heart College Dance Troupe. Bilang isang religious and catholic school, nagsilbing inspirasyon umano ng SHC ang simbahan ng Saint Ferdinand Cathedral na siyang simbolismo ng katangi-tanging pinagmulan at relihiyosong kultura ng lungsod.

Nagtapos ang kompetisyon sa isang matagumpay na aktibidad na lubusang nagpakita ng angking kagalingan at talent ng mga mamamayang Lucenahin. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.