Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DepEd Lucena nakamit ang grand winner sa Pandong Competition

Isa rin ang Pandong Competition sa inabangan ng mga lucenahin sa katatapos na pagdiriwang ng pasayahan sa lucena. Kung saan ay may sampong ...

Isa rin ang Pandong Competition sa inabangan ng mga lucenahin sa katatapos na pagdiriwang ng pasayahan sa lucena.

Kung saan ay may sampong participants ang nagtunggali sa nasabing kompetisyon.

Ang mga ito ay ang Barangay Health Alliance Lucena City, Rho Tau Gamma Fraternity, Smash Rider Club, St. Jude Multi-Purpose Cooperative, Manuel S. Enverga University Foundation College of Architecture, DepEd Lucena, Calmarland, Dynamic Ramp Model, Nagkakaisang Bagong Katipunan Guardians International Inc. at Barangay Silangang Mayao.

Dito ay ipinakita ang kanilang disenyo gamit ang iba’t ibang materials tulad ng buli abaca, bambo strips, na riyan rin ang produkto na ipinagmamalaki ng lungsod ng lucena ang tinapa, chami at iba pa.

Tulad ng mga ibang kompetisyon ay tumitigil rin ang mga ito sa harapan ng Maintage ng Pasayahan sa lucena.

Binaybay din ng mga ito ang kahabaan ng Quezon Ave. Merchan St., Gomez st. patungong SM City Lucena kung saan dito ay iaanunsyo kung sino ang mananalo.

At ilang oras na paghihintay matapos ang lahat ng mga nagtunggali sa iba’t ibang kompetisyon ay inanunsyo na kung sino sino ang nanalo.

At isa nga dito ang Pandong kompetisyon kung saan ay nagwagi sa unang puwesto ang School Division Office of Lucena City o DepEd na may cash prize 20,000 pesos, pumangalawa sa kanila ang Calmarland na may cash prize na 15,000 pesos at pumangatlo ang Barangay Silangang Mayao na nakamit ang halagang 10,000 piso.

Kitang kita naman ang saya ng mga nanalo sa nasabing kompetisyon. (PIO Lucena- J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.