Ang kagandahan ng Sining at Likha hatid ng Extrabragansang Saya sa Pasayahan sa Lucena 2018 by Ace Fernandez & Lyndon Gonzales ...
Ang kagandahan ng Sining at Likha hatid ng Extrabragansang Saya sa Pasayahan sa Lucena 2018 |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- “Tara na, baka mahuli tayo sa parade!. Ito ang nasabi ng isang taga-Brgy. Gulang-Gulang sa kanyang mga kaibigan na papunta sa Quezon Avenue kung saan ay dadaan ang Grand Parade ng Pasayahan sa Lucena 2018. Sabik na naghihintay ang libo-libong manunuod sa kahabaan ng Tagarao St., Quezon Avenue at Merchan St. diretso ng Gomez St., hanggang sa makarating sa SM City Lucena ang grandyosong parade na pinaka-highlights sa Pasayahan 2018. Nagsimula dakong alas tres ng hapon ang Grand Parade at doon nga ay hindi mag-kamayaw ang mga manunuod sa isang Grand Parade na kakaiba sa mga naunang Pasahayan sapagkat nakita dito ang mga indibidwal presentation na kumakatawan sa iba’t-ibang reyna na may kaugnayan sa kalikasan. Ipinakita ng mga lumahok sa Grand Parade ang kanilang galing sa paglikha at sining gamit ang mga recycled materials na talaga namang kinagiliwan ng mga manunuod – “Huwag mo akong takpan” ang sigaw ng isang babae sa kanyang nasaunahang manonood lalo na ng makita ang totoong bida ng parade na sina Mayor Dondon Alcala, Vice Mayor Philip Castillo, City Councilor Boyet Alejandrino at iba pang miyembro ng Sangguniang Panglungsod. Kasunod sa nasabing hanay ang mga miyembro ng Pasayahan Executive Committee na silang naging daan sa isang matagumpay na Pasayahan 2018.
Maya-maya lang ay umalingawngaw ang magandang boses ni Arnel Avila, Executive Assistant at PIO ng Lucena LGU at sinabing “bigyan nyo ng space ang mga darating na participants sa street dancing” at tinawagan ng pansin ang mga Marshalls ng Grand Parade upang sawayin ang mga pasaway na manunuod. At sa pagkakataong ito ay tinawag ng ating kaibigang Arnel Avila na siya ring Host ng Grand Parade itong si Mr. Tapan, isa sa mga piling hurado ng pasayahan at kilala sa buong bansa na photographer ng kanyang henerasyon at sinabi na “HIGH IMPACT” ang visual na dapat makita ng mga judges sa indibidwal na presentasyon ng mga sumali sa parade.
Natapos dakong alas singko ng hapon ang aking coverage at habang ako ay naglalakad ay tinatanong ko ang aking sarili na “Ako nga ba ay nasa katotohanan o nananaginip lang” sapagkat para akong nasa “Fantasy World” dahil sa aking nakitang kagandahan ng artistic presentation ng Grand Parade sa Pasayahan 2018 – Kaya tara na, abangan natin ang susunod na Pasayahan sa Bagong Lucena.
Ang mga larawan ng saya sa Grand Parade ng Pasayahan sa Lucena 2018
No comments