Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Housing Project ng Pamahalaan panlungsod, pagtutuunan ng pansin ngayon 2018 hanggang 2019 ayon kay Mayor Dondon Alcala

Kung titingnan po natin ang lungsod ng lucena halos na gawa na ang lahat, dahilan sa nariyan kita at napapakinabangan na ng mamamayang l...

Kung titingnan po natin ang lungsod ng lucena halos na gawa na ang lahat, dahilan sa nariyan
kita at napapakinabangan na ng mamamayang lucenahin ang mga proyekto ng pamahalaan
panlungsod.

Tulad ng Lucena City Government Complex, Bagong Palengke Mall, kasalukuyan konstraksyon
ng City Health, ang inaabangan na Lucena Convention Center at iba pa mayroon din apat na
malalaki pang proyekto ang aabangan dito sa lungsod.

Ito ang ilang sa naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan sa isinagawang
Lucena City Development Council Meeting o LCDC.

Na pinamunuan ng Punong Lungsod at dinaluhan ni Konsehal Boyet Alejandrino, City Budget
head Rosie Castillo at halos lahat ng mga Barangay Chairman ng lungsod ng lucena.

Ayon sa Alkalde, sa mga proyektong ito ng pamahalaan panlungsod ay napakaganda na ng
pinupuntahan ng Bagong Lucena.

Ayon pa dito, sa ngayon ay isa sa pagtutuunan ng pansin ng lungsod, ngayon taon 2018
hanggang 2019 ay ang Housing Project.

Sinabi pa ni Mayor Alcala, na napakapalad ng lungsod sapagkat binigyan tayo ng pagkakataon
ng Social Housing Finance Corporation o SHFC.

Na kung saan ay mayroon silang target na binibigyan ng benipisaryo na nasa mahigit sa 1,500.
Ayon sa Punong Ehekutibo, buwenas ang lungsod ng lucena sapagkat 750 ay napili ng SHFC ang
lucena sa magiging benipisaryo nila, dahilan sa pagkakaroon natin ng proyekto na tenements
building na gagawin sa bahagi ng Barangay Marketview.

Na kung saan aniya ay magkakaroon dito ng 5 building na mayroon na tig 122 rooms.
Na ayon pa kay Mayor Dondon Alcala ay tinatrabaho na ng pamahalaan panlungsod sa
pangunguna ng tanggapan ng Urban Poor Affairs Division sa pamamahala ni Lerma Fajarda at
ng mga staff nito.

Isa lamang ang mga ganitong proyekto at programa ng pamahalaan panlungsod sa pangunguna
ni Mayor Alcala na ang tanging hanggad ay matulungan ang mga maralitang taga lungsod na
magkaroon ng sariling tahanan sa murang halaga at upang maiangat ang antas ng kanilang
pamumuhay. (PIO Lucena/J Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.