Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang pang mga Police Lucena buhat sa Biñan Police Station nakabalik na sa lungsod

Halos walong buwan ng mapalipat ang ilang mga kapulisan ng lungsod ng lucena sa Biñan Police Station sa Laguna dahilan na rin sa reshuffle ...

Halos walong buwan ng mapalipat ang ilang mga kapulisan ng lungsod ng lucena sa Biñan Police Station sa Laguna dahilan na rin sa reshuffle ginawa noon ni dating CalabarzonPolice Director Chief Superientendent Mao R. Aplasca sa Batangas, Laguna at Quezon.

At isa nga ang Lucena City PNP at Biñan City PNP sa nakasama sa pagpapalitan ng halos lahat ng mga tauhan at hepe ng istayon ng pulis.

Kaya naman ang dating hepe noon ng Kapulisan ng lungsod ng lucena na si Police Superientendent Arturo Brual na ang pumalit sa kaniya na buhat sa Sta. Rosa Police Station ay si Police Superientendent Reynaldo Maclang.

Matapos naman ang ilang buwan din na naging hepe ng lucena pnp ito ay pinalitan rin siya ni Police Superientendent Vicente Cabatingan na maganda ang ginawa sa lungsod kung saan mahigpit nitong ipinatupad paglaban sa ilegal na droga kung kaya naman ang kaliwat kanan na operasyon nito sa lungsod.

At sa ilan araw nitong hepe ay nakabalik naman ang ilan din mga kapulisan ng lungsod dito sa lucena.

Subalit sa pagpapalitan rin ng Regional Director ng PNP ng Calabarzon ay muli naman nagpalit ng OIC ng Lucena City PNP kung saan pinalitan si Col. Cabatingan ni Police Superientendent Romulo Albacea.

Matatandaan naman kamakailan ay pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala si Col. Albacea dahilan na rin sa matahimik at walang anuman kaguluhan ang nakaraang pagdiriwang ng pasayahan sa lucena 2018 at maging ang mga accoplishment nito.

At nitong nakaraang lunes ay muli binati nito si Albacea dahil naman sa effort nito upang makabalik sa lungsod ng lucena ang 26 na pulis buhat sa Biñan City Police Station.

Noon din araw na yon ay nakadaupang palad muli ng Alkalde ang mga pulis na nabanggit sa Conference Room ng Mayor’s Office sa 2nd floor ng Lucena City Government Complex.

Nangako naman ang punong ehekutibo na kung anuman ang kailanganin ng mga ito ay kaniya naman tutulungan. (PIO/Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.