Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Itatayong bagong municipal hall sa bayan ng San Francisco, pinasinayaan

Gob. David C. Suarez, House Minority Floor Leader Cong. Danilo Suarez kasama sina Former Congw. Aleta Suarez, Board Member Jet Suarez ...


Gob. David C. Suarez, House Minority Floor Leader Cong. Danilo Suarez kasama sina Former Congw. Aleta Suarez, Board Member Jet Suarez at Honorable Ernani Tan sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa bagong municipal hall na itatayo sa bayan ng San Francisco nitong nakaraang ika-6 ng Hunyo. (c) Quezon Public Information Office.



San Francisco, Quezon -- Sa pangunguna ni House Minority Floor Leader Cong. Danilo Suarez kasama sina Former Congw. Aleta Suarez, Board Member Jet Suarez, Honorable Ernani Tan, Honorable Joselito Alega at sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. David C. Suarez, isinagawa nitong ika-6 ng Hunyo ang groundbreaking ceremony para sa bagong municipal hall na itatayo sa bayan ng San Francisco.

Kapwa nagpasalamat sina Hon. Ernani Tan at Hon. Joselito Alega sa panibagong proyekto na ibinaba sa kanilang munisipalidad. Anila, isa itong katuparan ng pangarap ng kanilang bayan na nagpapatunay ng unti-unti pagkamit ng kaunlaran ng mga mamamayan sa kanilang distrito.

Nagpasalamat rin ang ama ng lalawigan kay Cong. Danilo Suarez para sa kanyang inisyatibo sa patuloy na pagbibigay ng mga komprehensibong proyekto sa lalawigan ng Quezon mula sa national government.

Ipinahatid ni Gob. Suarez ang matibay na pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pamahalaang nasyunal upang makapagtayo ng isang bagong municipal hospital sa bayan ng San Francisco.

“Nagpapasalamat ako kay Congw. Aleta Suarez at Cong. Danilo Suarez dahil nabigyan niyo ng magandang bukas ang San Francisco sa magandang proyekto na ipapagawa ninyo dito. Ang proyektong ito ay tunay na pakikinabangan ng lahat. Kami naman sa probinsya, hihigitan pa namin ang gagawin namin para mas gumanda pa ang services ng probinsya.” ayon kay Gob. Suarez.

Ibinahagi rin ng gobernador ang ilan sa mga proyekto na nakatakdang isagawa sa ilan pang bahagi ng lalawigan tulad ng Southern Luzon State University full campus at kauna-unahang Coconut Research and Development Center sa CALABARZON na itatayo sa bayan ng Catanauan.

Samantala, ibinahagi naman ni Cong. Danilo Suarez na mayroon nang initial na pondong nagkakahaagang 20 milyon ang proyekto para sa bagong municipal hall. Aniya, maliban dito ay mas pagtutuunan pa niya ng pansin ang patuloy na pagpapa-unlad sa bayan ng San Francisco.

“We are paving the road for growth. But, I need a cohesive action from the town. Nagpapasalamat ako sa bayan ng San Francisco for giving me the opportunity to serve you.” pahayag ng konggresista. (Quezon – PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.