Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Jobs Fair, 57 kabataang aplikante agad natanggap sa trabaho

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- May 57 kabataan ang natanggap kaagad sa trabaho matapos matapos dumalo sa jobs and business fair na idinaos ka...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- May 57 kabataan ang natanggap kaagad sa trabaho matapos matapos dumalo sa jobs and business fair na idinaos kamakailan ng panlalawigang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE-Quezon provincial labor officer Edwin Hernandez ng DOLE-Quezon na ang mga kabataang aplikante na natanggap agad sa trabaho ay bahagi ng 659 na naitalang job applicants.

May 39 na mga lokal na kompanya at apat na overseas companies ang naki-isa sa jobs and business fair.

“Magsasagawa rin kami ng jobs fair sa bayan ng Polillo sa Mayo 23-25, 2018 upang matulungan na magka-trabaho ang mga kabataang aplikante na hindi nakarating sa jobs fair sa lungsod”, sabi ni Hernandez.

Samantala, patuloy ang isinasagawang kampanya ng DOLE-Quezon laban sa kontraktwalisasyon sa lalawigan ng Quezon na matagal na ring idinaraing ng mga manggagawa.

Ayon pa kay Hernandez, bunga ng kanilang maigting na kampanya kontra kontrakwalisasyon, may 71 mga manggagawa sa lalawigan ang naging permanente na sa trabahong kanilang pinapasukan ngayon.

Kabilang sa mga kumpanya na ginawang regular na sa ngayon ang mga dating kontraktwal nilang manggagawa ang: Quezelco I, 49 na empleyado; Johanna’s Chicken, 16; at Shakeys Lucena na anim na empleyado.

Inaasahang marami pang mga manggagawa sa Quezon ang magkakaroon ng permanenteng trabaho sa mga susunod na buwan dahil sa pinaigting na kampanya kontra kontraktwalisasyon ng DOLE-Quezon. (Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.