Idinaos kamakailan ang isang orientation training hinggil sa social housing program sa pangunguna ng Social House Finance Corporation o SH...
Idinaos kamakailan ang isang orientation training hinggil sa social housing program sa
pangunguna ng Social House Finance Corporation o SHFC.
Dito tinalakay ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng naturang ahensya gayundin, kung sino ang
mga posibleng kabahagi nito at ang maitutulong nito sa komunidad.
Kaugnay nito, sa naging panayam ng TV12 kay Assistant City Legal Officer, Atty. Ferdinand
Lagman na isa din sa mga technical Working group members ng local housing board, inilahad
nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng community mortgage program.
Alinsunod sa local government code ng 1991 o ang Republic Act 7160 at ang Urban
Development and Housing Act of 1992 o ang Republic Act 7279, madatoryo at kinakailangan na
ang bawat local government unit ay tumulong sa pagkakaloob ng mga programang pabahay sa
kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Lagman, ang programang ito ay makakatulong hindi lang sa mga stakeholders kundi
pati na din sa mga may ari ng lupa, magiging benipisyaryo at sa gobyerno.
Binigyang pansin din nito ang ilang mga isyu na kinahaharap ng bansa pagdating sa usapin sa
lupa. Hindi aniya maipagkakaila na madami ang kaguluhan at hindi pagkakaunawaang
nararanasan sa lalo’t higit sa pagitan ng land owners at ng umuukupa dahil dito.
Kung kaya’t dahil sa community mortgage program ay maaring matanggal ang balakid sa
pagitan ng dalawang nasabing panig.
Sa katunayan nga aniya, muling hinahangad ng lungsod na maging isang mobilizer. At para
naman aniya sa mga posibleng magiging benipisyaryo nito, ay may itinakadang criteria ang
SHFC para dito, karaniwan aniya dito ay ang mga informal settlers o mga mamamayang nakatira
sa mga delikadong lugar tulad ng tabing-ilog, tabing-dagat at malapit sa riles ng tren.
Dagdag pa nito, hindi din maitatangging marami ang mga informal settlers sa lungsod na isa sa
napakatagal ng pinoproblema dito.Gayunpaman ay patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang
panlungsod ng solusyon para dito at para sa mas ikabubuti pa ng kalagayan ng bawat
mamamayang Lucenahin.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments