Kaisa sa taunang pagdiriwang ng Arbor day ay magsasagawa ang pamahalaang panlungsod ng isang aktibidad na kung saan ay magtatanim ang mga ...
Kaisa sa taunang pagdiriwang ng Arbor day ay magsasagawa ang pamahalaang panlungsod ng
isang aktibidad na kung saan ay magtatanim ang mga mamamayan.
Sa naging panayam ng TV12 kay Konsehal Anacleto Alcala III, chairperson ng Committee on
Environmental Protection and Management, inilahad nito ang ilang mga detalye hinggil sa
nasabing pagdiriwang.
Gaganapin aniya ang aktibidad sa darating na ika- dalawampu’t tatlo ngayong buwan sa Purok
Masagana II Brgy. Talao talao sa pamumuno ni Kapitan Reil Briones
Tinatayang nasa sampung libong mga bakawan na lalaki at bakawan na bato ang itatanim dito
dahilan sa ito ang mga uri ng mangroves na mas nabubuhay sa lugar ayon na din sa isinagawang
pag-aaral ng tanggapan ng City Agriculturist.
Inaasahan din namang madadagdagan ang bilang ng mga pananim dahilan sa ang Department
of Environment and Natural Resources ay nagpasabi noong nakraang pagpupulong na handa
silang magbigay ng ilan pang mga mangrove para sa pagsasakatuparan ng arbor day
Kaugnay nito, hinihikayat ni Konsehal Alcala ang mga mamamayang Lucenahin na edad
labingdalawa pataas lalo’t higit ang mga nasa Barangay Talao-talao at Barangay Dalahican na
malapit sa pagdadausan ng okasyon.
Para naman aniya sa mga nagnanais na maging partisipante sa sabayang pagtatanim ay
mangyaring magtungo at magsabi sa mga barangay officials sa kanilang barangay upang
makapagparehistro at para na din aniya malaman kung ilang ang inaasahang dadalo sa arbor
day celebration.
Target kasi ng pagdiriwang na magkaroon ng tinatayang walaong daan hanggang isang libong
partisipante.
Sa naging pagpupulong kamakailan para sa nasabing okasyon, nagpahiwatig ng kagustuhang
makibahagi dito ang ilan sa mga private sectors sa lungsod kabilang na ang rotary club of lucena
south, rotary club of lucena central, mga rotaractors at ilang mga interactors
Kasama din ang ilan sa ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, Dalubhasaan ng
Lungsod ng Lucena, mga bagong halal ng Barangay at SK Officilas at ang mga kawani ng
pamahalaang panlungsod na inoobliga ng City Department of Interior and local government at
ng local government code na makiisa.Gayundin ang mga kasamahan sa Maritime at Coast
Guard.
At ang mga mag-aaral na nasa senior high school sa lucena dalahican national high school
upang magkaroon sila ng kamalayan sa kahalagahan ng pagtatanim.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay Malaki ang maitutulong sa pagpapanaitili ng
kalinisan ng kapaligiran at pagpapalago sa kagandahan ng Inang Kalikasan.(PIO Lucena-M.A.
Minor)

No comments