Nadatnan ng tv12 si konsehal benny brizuella at ang ilan sa mga iskolar nito sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong. Ayon kay brizuella...
Nadatnan ng tv12 si konsehal benny brizuella at ang ilan sa mga iskolar nito sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong.
Ayon kay brizuella, umaabot sa mahigit 70 ang bilang ng mga estudyanteng kanyang libreng pinag-aaral sa kolehiyo saan mang unibersidad ng mga ito nais na mag-aral.
Katunayan, ang dahilan umano ng pagbisita ng mga ito sa kanyang opesina ay dahil sa lubos ang mga itong nagpapasalamat dahil 10 sa mga scholar niya ay magtatapos na sa kolehiyo sa mga kursong engineering, business administration, public ad, accountancy, at education sa iba’t-ibang unibersidad sa lungsod gaya ng southern luzon state university, manuel s. Enverga university foundation, at ddl.
Dagdag pa nito, dalawa lamang ang kanyang kwalipikasyon para sa mga ito, una umano ay dapat may average na hindi bababa sa 90 at pangalawa ay bawal muna ang mga itong makipagrelasyon.
Ang mga bjb scholars ay mula sa mga pamilya ng mga magsasaka at mangingisda sa lungsod na wala umanong kakayahang makapag-aral ngunit kinakitaan niya ng kagustuhang makapag-aral at magkaroon ng magandang edukasyon.
Hindi sa pagkuha ng mga ito ng diploma ng bachelor’s degree nagtatapos ang kabutihang loob ni brizuella. Napag alaman rin ng tv12 na kapag nakatapos na ang mga ito sa kanilang kurso at nais na mag-aral naman ng master’s degree ay handa ang konsehal na tustusan ang mga ito. (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments