SK Federation President Norman Patrick Nadera (Grab from Facebook) by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Suportado ni Lucena...
SK Federation President Norman Patrick Nadera (Grab from Facebook) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Suportado ni Lucena City elect SK Federation President Norman Patrick Nadera ang panukala ng PNP sa paghuli sa mga tambay sa dis oras ng gabi na kalimitan ay mga kabataan.
Sinabi nang batang opisyal na hindi ito paghihigpit dahil ang ganitong programa umano ay para sa seguridad ng mga kabataan. Mas nais din niya na mafocus ang mga kabataan ng lungsod sa ibang mas makabuluhang bagay tulad na lamang ng mga programang pang-edukasyon,environment at sports na nais niyang pagtuunan ng pansin sa 33 barangay.
Matatandaang ipinahayag ni PNP Chief Dir.Gen. Oscar Albayalde kamakailan na ipauubaya na rin ng pulisya sa mga barangay tanod ang panghuhuli sa mga tambay sa kalsada na ayon pa sa opisyal ay may ginawa nang direktiba ang DILG para atasan ang mga opisyal ng barangay na siyang manguna sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa pero katuwang pa rin ng mga baranggay tanod ang mga pulis.
No comments