Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LUCENA WEST 1 ELEMENTARY SCHOOL DRUM AND LYRE CORPS, BINIGYANG PAGKILALA NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD

Binigyang pagkilala ang Lucena West 1 Elementary School Drum and Lyre Corps ng pamahalaang panlungsod sa isinagawang regular na flag raisin...

Binigyang pagkilala ang Lucena West 1 Elementary School Drum and Lyre Corps ng pamahalaang panlungsod sa isinagawang regular na flag raising ceremony kahapon.

Ito ay matapos makamit ng grupo ang dalawang major awards sa ginanap na 6th Sinfonia 2018 national competition na idinaos sa strike gymnasium sa Bacoor, Cavite kamakailan.

Nasungkit ng banda ang best drumline elementary band at 2nd runner-up sa elementary band competition national level mula sa Philippine Drum and Lyre Associates Incorporated at ng lunsod ng Bacoor, Cavite.

Gayundin ay binigyang parangal si Alfredo Devera Orbe, Band Coordinator at Director ng pangkat dahilan sa pagpoporsige nito at buong pusong pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral para maipanalo ang mga nasabing awards.

Kaugnay nito, sa naging panayam ng TV12 kay Alfredo Devera Orbe, band coordinator ng west 1 elementary school kamakailan ay inilahad nito ang naging karanasan ng kanilang grupo bago makamit ang awards mula sa national level.

Ang nasabing banda aniya ay binubuo ng anim na pong mag- aaral na nasa grade four hanggang grade six. Hindi maiiwasan aniya ang pagdanas ng hirap sa pagpapaensayo lalo’t higit ang mga miyebro ay kabataan pa lamang pero sa kanilang pagtutulungan ay nagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at binigay ang kanilang best sa pagpeperform.

Gayundin ay ang usapin pagdating sa pangangalap ng sapat na halaga at pondo na siyang gagastusin nila para sa lahat ng kakailanganin ng grupo, kaya’t naisip nilang lumapit kay Mayor Dondon Alcala na agad namang tinugunan ng alkalde.

Ipinagmamalaki naman ng lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala ang drum and lyre band ng west 1 dahilan sa pagbibigay nito ng honor and pride sa lungsod.

Gayundin ay ikinatutuwa ang ipinakitang kagalingan at talento ng mga kabataan sa ganitong uri ng patimpalak lalo na’t ito ay sa lebel na ng nasyunal. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.