Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Magkapatid patay at 5 pa arestado sa buy bust operation sa Lucena City

by Allan P. Llaneta LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dead on the spot ang magkapatid na tulak at arestado ang limang iba pa sa ginawang d...



by Allan P. Llaneta

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -- Dead on the spot ang magkapatid na tulak at arestado ang limang iba pa sa ginawang drug buy bust operation nang mga awtoridad sa barangay 10 sa Lucena City.

Kinilala ng Lucena Police ang namatay na magkapagtid na sina Jerome Masalunga at Jeffrey Masalunga samantalang nakilala naman ang mga nahuling suspek na sina Michelle Pinon, Renato Abcede, Ansbert Ilao, Joel Valdez at Camaine Glorioso.

Ayon kay Lucena City Police director PSupt Romulo Albacea, pasado alas 4:00 nang madaling araw nang magsagawa nang drug buy bust operation ang pulis sa nasabing lugar.

Nagpanggap umanong bibili nang shabu ang isang pulis sa mga suspek pero nang maramdamang alagad nang batas ang kanilang katransaksyon bigla na lang nagpaputok ang mga tulak.

Dito na gumanti nang putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay nang magkapatid na suspek.

Nasakote naman ang lima pang suspek na nasa lugar nang drug den.

Narekober sa pag-iingat nang mga namatay na suspek ang 2 kalibre 38 baril, mga drug pharapernalia, isang plastic sachet nang shabu at dalawang motorsiklong walang plaka.

Nakakulong na ngayon sa Lucena City lock up jail ang mga suspek na nahuli habang nakalagak ngayon sa Funeraria Pagbilao ang labi nang dalawang napatay.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.