Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 300 mga mag-aaral ng LMSTC, nagtapos na

Labis na katuwaan at kaligayahan ang nadama ng tinatayang mahigit na 300 mga etudyante ng Lucena Manpower Skills and Training Center nang m...

Labis na katuwaan at kaligayahan ang nadama ng tinatayang mahigit na 300 mga etudyante ng Lucena Manpower Skills and Training Center nang makapagtapos ang mga ito sa kanilang kurso.

Ginanap ang naturang graduation rites sa The Event Theather ng Pacific Mall na kung san ay dinaluhan ito nina LMSTC Coordinator Criselda David, City Planning and Development Office Head Engr. Nelson Singson at Executive Assistant IV Joe Colar.

Maging ang ilang mga nanalong Sangguniang Kabataan Chairman mula sa Brgy. 7, Ilayang Dupay, Brgy. 10 at Ibabang Dupay ay dumalo rin sa naturang aktibidad na kung saan ay nagpaabot rin ang gma ito ng kanilang pagbati sa mga nagsipagtapos.

Sa maiksing programa na isinagawa dito, binati ni LMSTC Coordinator Criselda David ang mga nagsipagtapos habang hinangad naman ni Executive Assistant IV Joe Colar ang tagumpay ng mga ito sa kanilang magiging panimula sa buhay sa pamamgitan ng kanilang natutunan sa nasabing paaralan.

Maging si CPDO Head Engr. Nelson Singson ay nagpaabot rin ng kaniyang pagbati sa mga ito at sinabi na isang malaking kasangkapan sa buhay ang kanilang mga natutunan sa LMSTC dahilan sa maari aniya ng mga itong gamitin sa kanilang pagtratrabaho at maging hanapbuhay upang umangat sa kanilang kaatayuan sa buhay.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga nagsipagtapos sa lahat ng guro at sa LMSTC coordinator sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makapag-aral dito lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala sa pagkakaroon ng ganitong uri ng programa na anila ay labis na maktutulong sa kanilang pamumuhay.

Ang pag-aaral sa Lucena manpower Skills and training center ay libreng ipinagkakaloob ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa pagnanais nitong matulungan ang mga Lucenahin na magkaroon ng dagdag na kaalaman na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho, lokal man o abroad, o ‘di kaya ay magamit ng mga ito sa kanilang maliit na negosyo upang makaangat sa kanilang pamumuhay.(PIO LUcena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.