Aabot sa tinatayang mahigit na P1 milyong piso na kinita ng pamunuuan ng Pasayahan sa Lucena 2018 mula sa mga naging sponsors nito sa katat...
Aabot sa tinatayang mahigit na P1 milyong piso na kinita ng pamunuuan ng Pasayahan sa Lucena 2018 mula sa mga naging sponsors nito sa katatapos lamang na pagdiriwang ng naturang selebrasyon ang ibinalik sa pamahalaang panlungsod kahapon ng umaga.
Pormal na ipinagkaloob ng nasabing grupo ang halagang P1.3 milyong piso kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa ginanap na flag raising ceremony.
Ang naturang halaga ay mas mataas ng P400 libong piso sa kinita noong nakaraang taon na nagmula rin sa nasabing mga sponsors.
Dahil dito, binigyang papuri ni Mayor Dondon Alcala ang lahat ng mga naging miymebro ng executive committee at ang lahat ng mga tao sa likod ng matagumpay na pagdaraos ng Pasayahan sa Lucena 2018.
Aniya, malaking bagay ang pagkakasauli ng mga ito ng nasabing halaga na kung san ay pinagkalooban lamang ito ng pamahalaang panlungsod ng budget na halagang aabot sa P3 milyong piso ngunit sa kabila ng budget na ito ay nakapagbalik pa rin ang mga namuno ng halagang mahigit sa P1 milyong piso.
Ito ay dahilan rin aniya sa dami ng mga nagnanais na tumulong sa pagdiriwang ng isa sa pinaka-aabangang aktibidad sa lungsod.
Ayon pa rin sa alkalde, sa kabila ng mas malalaki at mas maraming patimpalak na ginanap sa nakaraang pagdiriwang ay nakapagbalik pa rin sila ng naturang halaga.
Kabilang sa mga sponsors na naging bahagi ng Pasayahan sa Lucena ay ang San Miguel Beer, Mr. Gaspar Ong, Engr. Lucila Clamor, Marca Piña, Mark Café 5in1 Coffee Mix, SM City Lucena, Calmar land, Lily’s Paenut Butter, My CATV, Globe Telecom, Myphone, Pacific Mall, Sevilla’s Catering, IPI Pharmaceuticals- makers of Bioderm Germicidal Soap, Mega Tuna, Mc Donald’s, PLDT Smart, Camella, SM Supermarket, Viewer’s Service Center, Cotta Realty, Ana Belai.
Nakibahagi rin dito ang RV Laborte, JNJ Oil Mill, LC Bigmak, Jollibee Foods, Puregold, Summit Superbikes, Nature Spring, Jhem’s Floral Creations, Romulo’s Catering, AOZ Sounds anfd Lights, Jojo’s Elegant Photography, STI College, St. Anne College of the Pacific, Palawan Pawnshop, Hanson, Buddy’s Eatery, Hyundai, Creamline Ice Cream, at Mags Clothing. (PIO Lucena/ R.Lim)

No comments