(c) Janella Charish de Mesa Pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikagaganda ng kapaligiran, yan ang pinatunayan sa isinagawang aktib...
(c) Janella Charish de Mesa |
Pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikagaganda ng kapaligiran, yan ang pinatunayan sa
isinagawang aktibidad sa barangay barra sa pamumuno ni Kapitana Amy Sobreviñas
kamakailan.
Katuwang ang tanggapan ng Department of Trade and Industry Quezon, Kiwanis Hiyas ng
Quezon at Lucena Development Multipurpose Cooperative ay ginanap ang isang tree planting
activity sa barangay.
Sama-samang nakiisa dito ang miyembro ng sangguniang barangay at kabataan ng barangay
Barra gayundin ang mga Barangay tanod dito.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod din sa tuloy-tuloy na proyekto ng City Agriculturist Office
sa pamumuno ng hepe nito na si Melissa Letargo.
Sa naging pahayag ni Sobreviñas, plano aniya niyang makapagtanim ng mga bakawan sa iba’t
ibang lugar sa barangay na kanyang pinamumunuan.
Mahigit sa limang daang bakawan naman na ang naitanim dito bagamat ang ninanais nila ay
tinatayang nasa tatlong libo hanggang limang libong mga bakawan.
Sa ngayon ay inaantay ng sangguniang barangay ang tamang panahon sa pagtatanim o ang
tinatawag nilang panahon ng tag-hibas para sa mas madaling pagtatanim nito.
Inaasahan din ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng sangguniang barangay ng barangay Barra
sa gaganaping sabayang pagtatanim sa Barangay Talao-talao kaisa sa pagdiriwang ng Arbor Day
ng lungsod.(PIO Lucena-M.A. Minor)
No comments