Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa isinagawang Capability Building and Awarding ng Best Faith Garden ng 4H Club

Dumalo sa isinagawang Capability Building and Awarding of Best Faith Garden ng 4-H Club si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. Gi...

Dumalo sa isinagawang Capability Building and Awarding of Best Faith Garden ng 4-H Club si
Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Salinas Elementary School.

Present din dito si City Agriculturist Head Melissa Letargo at Executive Assistant III Rogelio
“Kuya Totoy” Traquiña.

Sa naging pananalita naman ng Alkalde, nagpasalamat ito sa mga miyembro ng 4-H Club sa
pagiging aktibo ng mga ito.

Ayon pa dito kinakailangan aniya na alalayan ang mga nasa hanay ng agrikultural sektor sa
lungsod ng lucena.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, na matuturuan rin ang mga kabataan ito sa pamamagitan ng
mga training program na kahalitulad ng nasabing aktibidad.

Samantalang nangako naman si Mayor Alcala, na lagi itong nakasuporta sa 4H Club.
At maging aniya ang lahat ng programa at proyekto na isinusumite sa kanyang tanggapan ng
City Agriculturist Office ay tutulungan niya para sa mga miyembro ng 4H Club

Binati naman nito at pinasalamatan si Letargo, kapitan Louis Vivar maging ang Principal ng
naturang eskuwelahan na si Benilda Pujanes.

Dahilan sa ipinagamit nito ang kanilang paaaralan para maisagawa ang Awarding.
Matapos na makapagsalita ng Punong Lungsod, ay nagpakuha ang mga miyembro ng 4H Club
ng litrato sa Alkalde.

Bago naman ang nasabing awarding ay pinangunahan muna nina Estrella Vicente at Roy
Victoria 4H Club Coordinators ang Capability Building training.

At sa huli ay isa isa ng iginawad sa mga participants ang certipicate na pinangunahan ni Mayor
Dondon Alcala, Executive Assistance III Totoy Traquiña, Melissa Letargo at ang mga coordinator
na 4H Club. (PIO Lucena/J Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.