Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala ipinakilala ang mga bagong empleyado ng pamahalaan panlungsod

Kasabay ng isinagawang flag raising ceremony ng pamahalaan panlungsod nitong lunes kung saan host ang City Treasurer’s Office sa pangunguna...

Kasabay ng isinagawang flag raising ceremony ng pamahalaan panlungsod nitong lunes kung saan host ang City Treasurer’s Office sa pangunguna ng head nito na si Ruby Aranilla.

Ay ipinakilala naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga bagong empleyado ng City Government of Lucena na nagmula sa mga nagsipagtapos ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.

Ayon sa Alkalde, ang mga ito ay magiging taga rito na sa pamahalaan panlungsod kung saan ay nasa Mayor’s Office muna ang mga ito.

Inisa isa naman ng punong lungsod ang mga pangalan ng mga bagong graduate na ito ng DLL na magtratrabaho sa pamahalaan panlungsod.

At ang mga Cum Laude naman na ito ay sina Marc Dominic Magat, James Jemuel Antiporda, Aladdin Dominguez, Edgar Allan Dechavez at John Paul Dator.

Ang mga Academic Distinction naman ay sina Rogelio Jr. Malaay, Ma. Niña Suarez, Ma. Maikee Chavez, Rick Anthony Misiera, Harly Bell Eballa, Sydhel Quejada, Ma. Joanne Erilla at Academic Merit Award na si Princess Villanueva.

Matatandaan na kamakailan ay nabanggit na rin ng punong ehekutibo ang mga ito kina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. at sa mga Heads ng bawat tanggapan.

At inireresirba niya para sa pamahalaan panlungsod kaya hindi sila nahihire ng mga bagong aplikante.

Idinagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, ang mga may Academic Distinction na ito ay nakapapag-take na ng Civil Service at pasado na umano sa nakaraang exam.

Samantalang ang mga Cum Laude naman ay excempted sa pagtake ng civil service.

Sa huli ay sinabi muli ni Alcala, na ang 12 mga kabataan ito ay madadagdag na empleyado at makakasama sa LCGC at ito rin ay itinuturing niyang mga anak sa DLL. (PIO/Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.