Sa harapan ng mga kawani ng department of interior and local government o dilg, mga kawani ng dalubhasaan ng lungsod ng lucena o dll, gayu...
Sa harapan ng mga kawani ng department of interior and local government o dilg, mga kawani ng dalubhasaan ng lungsod ng lucena o dll, gayundin ng ilang mga barangay kapitan at ilang staff ng association of barangay captain o abc, at ng mga bagong halal na mga opisyal ng sangguniang kabataan, ibinahagi ni mayor dondon alcala ang kanyang mensahe para sa mga sk officials na sinimulan niya sa pagbabahagi ng naging ekspiryensa niya noong siya’y nalukluk rin bilang sk chairman.
Ayon sa alkalde, bago pa muna siya itinalaga ng taong bayan bilang punong lungsod, nauna na syang pinagkatiwalaan na mamuno noon sa mga kabataan nang mahalal siya bilang sk chairman hanggang sa siya’y naging sk federation president at kalauna’y ibinoto rin at naging sk federation national officer.
Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang mga kabataang lider lalo’t higit ang bagong halal na sk federation president na kung sakali mang mabigyang rin ng pagkakataon na maihalal bilang opisyal ng sk federation sa nasyonal na lebel ay huwag umano itong tanggihan dahil katulad ng kanyang naging karanasan ay nakatitiyak siyang magiging magandang pagkakataon ito upang matuto at malinang ang kanilang mga kakayahan sa pamumuno.
Dagdag pa nito, malaking hamon umano para sa mga manunungkulan ang mga tungkuling kaakibat ng kanilang posisyon lalo na’t doble ang gagampanang tungkulin ng mga ito. Mula aniya sa lehislatibong kapangayarihan kung saan ang mga ito mismo ang gagawa ng mga batas, programa at proyekto nasa sakanila rin ang ehekutibong kapangyarin upang ipatupad ang mga ito.
Kaugnay nito tinalakay rin ng alkalde ang bagong sk reform bill kung saan sa unang pagkakataon ay ipinatupad na ang anti-dynasty law na isa aniya sa magiging daan upang maiwasan ang paghahalal ng mga kamag-anakan ng mga politiko na nagiging sanhi ng mga anumalya at hindi pagampan nang mabuti sa mga tungkulin.
Ipinasa ng alkalde sa mga ito ang hamon sa pagpapaunlad ng mga kabataan sa kani-kanilang barangay sa iba’t-ibang aspeto .
Dagdag pa nito dapat umanong maging handa ang mga ito sa mataas na expectation ng mga tao partikular na ng mga kabataan dagil matapos ang limang taon ay saka lamang naibalik sa sanguniang barangay at sangguninag panlungsod ang sk.
Kaugnay nito, nangako naman si mayor dondon alkala ng buong pagsuporta sa mga programa at proyekto na kanilang ilalathala sa loob ng tatlong taon ng kanilang panunungkulan. (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments