Kasabay ng pagdalo ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawa kamakailan na Oath taking ng mga opisyal ng SK Federation sa lungsod, ay ...
Kasabay ng pagdalo ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawa kamakailan na Oath taking ng mga opisyal ng SK Federation sa lungsod, ay nagbigay mensahe ito para sa mga nahalal na Barangay Officials.
Ani ni Mayor Dondon Alcala bahagi ng pondong ipinagkakaloob sa bawat barangay ay ang pondo din para sa mga programang ninanais na isagawa ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan o ang tinatawag na SK 10 percent fund.
Kaugnay nito, pakiusap ng alkalde sa mga barangay officials na huwag itong pakialaman at sa halip ay hayaan ang mga kabataan na sila mismo ang mag-budget ng kanilang pondo nang sa gayun aniya ay mapakilos pa at mapalakas ang mga kabataan sa lungsod.
Bigyang laya aniya ang mga SK officials na mag-isip at magpatupad ng mga programa at proyekto na mas ikakaunlad pa ng mga kabataan sa bawat barangay na kanilang pamumunuan.
Ipinagmalaki din ng alkalde ang mga sunod-sunod na proyeto ng pamahalaang panlungsod kabilang na ang tinatawag na SK Olympic, seminars and trainings at ang pagpapalakas pa ng iba pang mga aktibidad ng mga kabataan.
Nagbigay mensahe din si Mayor Dondon Alcala sa mga elected SK officials na gamitin nila ang kanilang posisyon para tulungan ang kapwa nila.
Gayundin ay gumawa sila ng mga tamang hakbangin para panatilihin ang pagkakaroon ng tamang landas ng buhay ng mga kabataang Lucenahin.
Sa huli ay sinabi ni Mayor Dondon Alcala na kung mayroon man silang ninanais na proyekto at programa para sa mga kabataan at hindi kinaya ng kanilang pondo ay makakaasa sila na handa niya silang tulungan.(PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments