Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala pinasalamatan ang lahat ng mga namuno sa Pasayahan sa Lucena 2018

Dahilan sa maayos at magandang kinalabasan ng pasayahan sa lucena 2018, lubos na pinasalamatan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang lahat ...

Dahilan sa maayos at magandang kinalabasan ng pasayahan sa lucena 2018, lubos na pinasalamatan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang lahat ng pamunuan ng ginanap na aktibidad.

Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang pasasalamat sa ginanap na flag raising ceremony na kung saan ay pormal na ipinagkaloob ng executive committee na sina Arween Flores at Mary Mitzi Co ang kinita ng nasabing aktibidad mula sa mga sponsors ng mga ito.

Ayon kay Mayor Alcala, mas pinasaya at mas pinaganda ng mga ito ang lahat ng mga aktibidad sa isang linggong pagdiriwang na ito.

Isa aniya sa matagumpay na aktibidad dito ay ang grand parade na kung saan dati rati ay mayroong mga bakanteng lugar silang nadadaanan, ngayon nakaraan na PSL punong puno ang mga manonood dito at sadyang inabangan ng mga lucenahin.

Dagdag pa ng punong lungsod, ang pagdaraos ng Pasayahan sa Lucena ay masasabing isang tourism o tourist attraction na sa mga mamamayang lucenahin at maging ng mga karatig na bayan at iba pang lugar sa dami ng mga dumayo dito upang panoorin ang mga aktibidad sa nasabing okasyon.

Samantalang sinabi naman ng punong ehekutibo, na nabanggit sa kaniya ni Congressman Vicente “Kulit” Alcala na halos nasa mahigit 100 libong katao ang mga nanood ng grand parade.

At sa huli ay muli nitong pinasalamatan sina Arween Flores, Mitzi Co at lahat ng mga executive committee ng pasayahan sa lucena 2018. (PIO/Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.