Umapela ang punong lungsod na si mayor dondon alcala sa mga bagong halal na mga opisyal ng barangay lalo’t higit sa mga nanalong kapitan na...
Umapela ang punong lungsod na si mayor dondon alcala sa mga bagong halal na mga opisyal ng barangay lalo’t higit sa mga nanalong kapitan na bigyan ng laya ang mga bagong halal na opisyal ng sangguniang kabataan pagdating sa pamumuno.
Ayon sa alkalde kakaiba umano ang organizational structure ng sk sapagkat sa nakalaan para sa bawat barangay na base sa internal revenue alotment o ira , 10 porsyento nito ay mapupunta sa pangangalaga ng mga opisyal ng sk para sa pagpapatupad ng mga programa gayundin para sa pagsasagawa ng mga aktibidades para sa mga kabataan.
Matatandaan namang sa pagbabalik ng sk sa sanguniang barangay at sanguniang panlungsod ay nagkaroon ng mga pagbabago sa porma nito. Isa na nga dito ang pagtataas ng kwalipikasyon pagdating sa edad ng mga tatakbo. Imbis na 15-18 taon ay ginawa itong 18-24 na taong gulang na.
Kaugnay nito, nakatitiyak naman ang alkalde na sa pamamagitan nito ay matured na o di kaya’y may kakayahayan na ang mga bagong talagang lider na gumawa ng sariling mga desisyon na alam ng mga itong makabubuti para sa kanilang mga nasasakupan gayundin maiiwasan sa ganitong paraan ang pag-usbong ng ano mang anumalya kung saan kasangkot ang mga mas nakatatandang opisyal. May sarili na umano ang mga itong opinyon pagdating sa mga bagay-bagay at higit sa lahat ay may pangil na upang ituro at supilin ang mga anumalyang kanilang nakikita.
Bukod sa magagampanan ng mga ito nang mabuti ang kani-kanilang mga tungkulin pagdating sa pagbubudget, paggawa ng programa at pagpapatupad ng mga batas, magiging magandang oportunidad rin umano ito para sa mga opisyal upang mahasa nang husto ang kanilang kakayahan pagdating sa pamumuno.
Dagdag pa ng alkalde, nagsimula at naranasan rin niya na maging opisyal ng sk noon kung kaya’t naiintindihan nya ang kahalagahan ng kalayaan pagdating sa pamumuno dahil kung hindi dahil dito ay hindi mahahasa ang kanyang kakayahan na naging malaking tulong sa paggampan nya ng tungkulin ngayong siya na ang punong lungsod.
Kaugnay nito ay ipinasa ng alkalde sa mga bagong opisyal ng sk ang kanyang hamon sa pagpapalago ng mga kabataan sa kani-kanilang lugar gayundin ang hamon na balang araw ang mga ito ay ilan lamang sa magsisilbing patunay na ang mga kabataan ay ang pag-asa ng bayan. (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments