Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga kababaihang opisyal, nakatoka sa ‘soft infra’ na aspeto ayon kay konsehal sunshine abcede-llaga

Nakatitiyak ang nag-iisang konsehalang myembro ng sangguniang panlungsod na si sunshine abcede-llaga na sa pamamagitan ng mga bagong halal ...

Nakatitiyak ang nag-iisang konsehalang myembro ng sangguniang panlungsod na si sunshine abcede-llaga na sa pamamagitan ng mga bagong halal na mga kababaihan , mas mapapaigting at mas mabibigyan ng kaukulang pansin ang mga programa ng mga barangay para sa  mga kabataan at  nakatatanda dahil  ang pokus ng mga ito bilang babae ay ang soft infra gaya ng mga  programa para sa mga nakababata at nakatatanda.

Dagdag pa nito 50 porsyento ng mga tao sa mundo ay bababe. Kaya’t nararapat lang umano na magkaroon din ng pantay na ratio ang mga nanunungkulan upang sa gayon ay magkaroon ng boses ang mga kababaihan sa pamunuan. Sa ganitong paraan  rin sumano ay lubos na  mabibigyan ng atensyon ang mga pangaangailangn ng mga nanay, working women, pwds at senior citizens.

Ayon sa tala, bagama’t kalahati ng populasyon sa mundo ay mga bababe at sa kabila ng  mas maraming  bilang ng mga babaeng botante,  pumapalo lamang sa ratio na 1 over 5 ang pumapasom sa politika.  Sa datos ng comelec, mas malaking porsyento parin ang mga  kalalakihan na tumatakbo sa posisyon at 20 porsyento lamang ng mga nakaupong opisyal ang  babae.

Ngunit sa nakaraang barangay at sk election, marami na ang bilang ng mga kabbaaihang lumaban at pinalad na manungkulan. Ayon kay abcede, marami umanong maiaambag ang mga kababaihan pagdating sa paglilingkod sa bayan sapagkat  marami sa mga kababaihan ay matino, mahusay at maaasahan na syang mga katangian na dapat taglayin ng mga nauupo sa pwesto.

Dagdag pa nito,  ang mga kababaihan ay  may motherly touch at soft infra na syang dahilan kung bakit kadalasang nangunguna ang mga ito pagdating sa pagpapatupad o paggawa ng mga proyekto para sa mga pwds, kabataan, at mga  senior citizens.

Samantala nanawagan naman si abcede sa mga kababaihang pinalad na  mabigyan ng pagkakataon makapaglingkod sa taong-bayan  partikular na sa kani-kanilang mga barangay  na magpatuloy ang mga ito  sa mga gawain at adhikain na makatutulong sa pag-unlad  ng kani-kanilang komunidad. (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.