Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga kahilingan ng pampublikong paaralan na sound system, nalalapit nang ipagkaloob ng pamahalaang panlungsod

“Sa amin pong pagpasyal sa inyong mga paaralan lalo’t higit iyongmga nagsipag-request kay Dr. Aniano Ogayon ng sound system at TV ay dadalh...

“Sa amin pong pagpasyal sa inyong mga paaralan lalo’t higit iyongmga nagsipag-request kay Dr. Aniano Ogayon ng sound system at TV ay dadalhin na po namin”.

Ito ang inihayag ni Mayor roderick “Dondon” Alcala sa mga punong guro at guro ng publis schools sa Lucena hinggil sa kahilingan ng mga ito ng naturang kagamitan.

Ayon pa rin sa alkalde, sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod na aabot sa 57 na paaralan, tanging 31 lamang sa mga ito ang nagpasa ng kanilang kahilingan.

Kung kaya naman sinabi nito na sa mga nagnanais pang humiling ng katulad na kagamitan ay sa pangalawang pamamahagi na nila ito ipagkakaloob dahil kinakailangan muna na dumaan ito sa tamang proseso.

Nagbigay tagubilin rin si Mayor Alcala sa lahat ng mga nagnanais na magkaroon ng sound system na ayusin na agad ng mga ito ang kanilang request letter at ibigay sa opisina ng City Schools Division Superintendent na si Dr. Ogayon upang agad na maibigay ang mga ito sa kanilang paaralan.
Ang pamamahaging ito ng mga sound system at television set para sa mga public schools sa Lucena ay isang paraan ni Mayor Dondon Alcala ng pagtulong sa sektor ng edukasyon dahil isa sa mga prayoridad nito ay ang magkaroon ng maayos at de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang Lucenahin.(PIO LUcena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.