Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA PINAPLANONG PROGRAMA PARA SA NATATANGING SEKTOR, INILATAG NG LUCENA CITY COUNCIL ON DISABILITY AFFAIRS

Idinaos kamakailan ang ikalawang kwarter na pagpupulong ng mga miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs o LCCDC. Bukod sa pa...

Idinaos kamakailan ang ikalawang kwarter na pagpupulong ng mga miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs o LCCDC.

Bukod sa pagpi-prisenta ng iba’t ibang tanggapan at organisasayon na kabilang sa bawat komitibang naaayon sa kanilang gampanin at ang paglalahad ng mga aktibidad na naisakatuparan para sa mga natatanging sektor, ay inilatag din ang mga programa at proyekto na pinaplanong isagawa ng komitiba.

Kabilang na nga dito ang pagpunta muli sa pitong pilot barangays kabilang ang Barangay 1, 8, Cotta, Gulang-gulang, Ibabang Talim, Marketview at Talao-Talao na binisita ng Committee on Person with Disabilities sa pamumuno ni Konsehal Sunshine Abcede-LLaga, chairperson nito, ilang buwan na ang nakakalipas para ipresenta sa mga ito ang naging resulta ng kanilang isinagawang survey para sa kanilang profiling project.

Ilan din sa mga dumalo sa nasabing meeting ay nagbahagi ng kanilang karanasan pagdating sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan partikular na sa mga pampasaherong jeep. Nakakaranas aniya sila ng dagdag aberya sa pagsaka`y dahilan sa ilang mga pasahero ay hindi sila binibigyang konsiderasyon na makaupo sa hulihang bahagi ng sasakyan para hindi na mas mahirapan pang makasakay.

Mayroon pa din aniyang ilang mga sasakyan na walang dagdag na apakan para madaling makaakyat ang mga PWDs at mga senior Citizens sa behikulo kung kaya’t alinsunod dito, ay hinihiling ang pagsusulong o pag iimplementa ng ordinasa hinggil dito.

Hinihiling din sa pagpupulong ang pagsasagawa at pag oorganisa ng isang seminar and training para sa mga frontline employee ng pamahalaang panlungsod para sa sensitivity training sa tamang pakikipag interact sa mga PWDs.

Patuloy pa din naman ang suporta ng City Comelec sa pamumuno ng hepe nito na si Atty. Anamei Barbacena at ng PDAO sa pamumuno ni Christina Fernandez, para sa pagsasagawa o pag oorganisa ng isang special registration satellite para sa mga magsisipagpa-rehistro na PWDs.

Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga programa para sa mas ikauunlad pa ng natatanging sektor sa lungsod ng bagong Lucena. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.