Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Player ng Team Bagong Lucena na Nakapag-uwi ng Medalya buhat sa Palarong Pambansa, binigyan insentibo ng Pamahalaan Panlungsod

Dahilan sa mga medalyang naiuwi ng mga Players ng Team Bagong Lucena sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 ay binigyan sila ng insentibo n...

Dahilan sa mga medalyang naiuwi ng mga Players ng Team Bagong Lucena sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 ay binigyan sila ng insentibo ng pamahalaan panlungsod.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Conference Room ng Mayor’s Office sa 2nd Floor ng Lucena City Government Complex.

Pinangunahan naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala Kasama sina Education Supervisor Joey Jader ng DepEd Lucena at City Sports Head Coach Ogie Ng.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala una ay binati nito at pinasalamatan sina Jader at Coach Ng at kasama ang mga Staff nito.

Nagagalak at natutuwa aniya ang pamahalaan panlungsod dahilan sa mga gintong medalya ang dinala ng mga players sa bagong lucena.

Kung kaya naman ay binati ng Alkalde, ang lahat ng mga manlalaro dahil hindi basta basta ang mga pinagdaanan ng mga ito.

Ayon pa dito bukod sa naghanda sila para sa tinatawag na City Competition, lumaban sa Regional Competition at nagtagumpay kayo sa National Competition kaya nakamit ang inaasam na mga medalya.

Nagbigay naman ng tagubilin si Mayor Alcala, sa mga Players na huwag lisanin ang lungsod ng lucena.

Dagdag pa nito na baka aniya na sila ay palarong pambansa medalist ay mapirata sila at muli nitong binanggit na huwag iiwan ang bagong lucena.

Mabilis naman ang pagdugon ng mga manlalarong naroroon na hindi nila iiwan ang lucena.

Sa huli ay sinabi ng Punong Ehekutibo, na kung ano ang kailangan ng mga player ay banggitin lang ng mga ito kay Jader at Coach Ogie Ng.

Dahil sa silang dalawa ni City School Superientendent Dr. Aniano Ogayon ay laging nakasuporta basta tungkol sa pampalakasan.

Muli ay binati ni Mayor Dondon Alcala, ang lahat ng mga players na nakakuha at nakapag-uwi ng mga medalya ginto sa palarong pambansa 2018. (PIO/Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.