Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ORIENTATION TRAINING NG SOCIAL HOUSING FINANCE CORPORATION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Idinaos kamakailan ang isang orientation training hinggil sa social housing program para sa mga mamamayan ng bansa. Sa pangunguna ng tan...

Idinaos kamakailan ang isang orientation training hinggil sa social housing program para sa mga
mamamayan ng bansa.

Sa pangunguna ng tanggapan ng Urban Poor Affairs Division na pinamumunuan ng hepe nito na
Lerma Fajarda, ay naisagawa ang nasabing aktibidad.

Nagbigay impormasyon hinggil sa programa ang ilang mga representative mula sa social
housing finance corp o SHFC.

Ang SHFC ay isa sa mga key shelter agencies tulad ng HLURB, National Home Mortgage
Financing Corporation, PAGIBIG, Home Guaranty Corporation at National Housing Authority.
Inilahad sa aktibidad ang tungkol sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng naturang ahensya
gayundin, kung sino ang mga posibleng kabahagi nito kabilang na ang Public sector tulad ng
mga otoridad, Private sector tulad ng mga bangko at land owners at ang Third sector o enaw
bler.

Ipinahayag din dito ang ilan sa mga maitutulong LGU sa kanilang mga nasasakupan pagdating sa
housing program ng SHFC tulad ng pangangalap ng data information, regulatory support,
pagkakaloob ng mga resources at iba pa.

Ipinresenta naman ni Arianne Roxas, isa sa mga representatives ng nasabing ahensya ang isang
audio visual presentation hinggil sa mga naganap na demolition sa bansa.
Ayon pa dito tinatayang 1.3 million o mahigit pa ang mga informal settlers o ang mga
mamamayang walang sariling tirahan at naninirahan lamang sa lupa na pag-aari ng ibang tao
dahil sa kahirapan ng buhay.

Layunin aniya ng kanilang ahensya na mabawasan ng kahit sa tatlumpong porsyento ang mga
bahagi ng informal settlers pagdating sa taong 2020.

Dagdag pa nito, inaasahan ang pagkakaroon ng SHFC satellite office sa lungsod ng Lucena

Dumalo sa nasabing orientation ang ilang mga heads at chiefs ng mga tanggapan sa
pamahalaang panlungsod gayundin ang mga president ng Urban Poor Homeowners
Associations and Federations sa iba’t ibang barnagy at mga company builders and suppliers sa
lungsod.

Gayundin ang mga local housing borad members, mga technical working group mebers,
Konsehal Anacleto Alcala III, chairperson ng Committee on Urban Planning at Konsehal
Sunshine Abcede-Llaga, isa sa mga miyembro ng naturang komitiba.

Natapos naman ang aktibidad ng matagumpay, at inaasahan ang tuloy tuloy na pagtupad ng
mithiin ng bawat isa na ang lahat ng pamilayng Pilipino ay magkaroon ng tahanang maituturing
nilang kanila.

At tahanang Malaya sa posibleng peligro at panganib sa mga sakuna o kalamidad at
makakasiguro ang kaligtasan ng bawat isa.(PIO Lucena-M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.