Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsasagawa ng data profiling ng mga real property unit tax payers, nais na gawin ng hepe ng city treasurer’s office

Bilang parte ng mga nakahanay na programa ni ruby aranilla, hepe ng treasurer’s office para mas mapagbuti ang paggampan sa kanilang tungkul...

Bilang parte ng mga nakahanay na programa ni ruby aranilla, hepe ng treasurer’s office para mas mapagbuti ang paggampan sa kanilang tungkulin, iminungkahi nito ang pagkakaroon ng data base ng nasa mahigit sa 100, 000 real property unit tax payers sa lungsod upang mas mapabilis ang ginagawa nilang pangongolekta ng bayad ng mga ito.

Matatandaang isa sa mga naging dahilan kung bakit tumaas ng halos 30  porsyento ang actual revenue ng lokal na pamahalaan  ay dahil sa pagtaas ng koleksyon ng mga bayad mula sa mga real property tax payers ng  lupa, machinery, bahay, at iba pa na bunga naman ng pagsusumikap ng kanilang tanggapan na makakoleta ng buwis mula sa mga lucenahing nakakalimot na magbayad.

Naakasanayan na na sa pamamagitan lamang ng pagpapadala ng mga motices sa mga bahay-bahay nabibigyan ng paalala ang mga tax payers na gampanan ang kanilang obligasyon kaya’t ayon kay aranilla, panahon na upang gamitin ang mga teknolohiya.

Bukod aniya  sa maghahatid ito ng kaalwanan sa kanilang tanggapan, mas mapapabilis rin umano ang pag-papaalala sa mga tax payers ng kanilang obligasyon sa pamamagitan  ng pagpapadala ng abiso sa mga phone numbers at  email adds ng mga ito.

Dagdag pa ni aranilla, ito ay tugon rin ng kanilang tanggapan sa kahilingan ng ilang tax payers na bigyan man lamang sila ng paalala lalo na’t malapit na ang deadline ng bayaran. Gayundin para sa ilang mga tax payers na hindi alam  na mayroon pa silang nakabinbin na bayarin.

Alam rin umano ni aranilla na hindi magiging biro ang kakailanganing preperasyon upang maisakatuparan ito. Bukod kasi sa karagdagang gastos kakailanganin rin ng mga karagdagang empleyado na may sapat na kaalaman sa angkop na programa para dito.

Kaugnay nito , nakipagpulong na si  aranilla sa  director ng  lucena  disaster  risk reduction management office na si janeth gendrano tungkol sa naiisip niyang pakikipagtulungan  ng kanilang tanggapan pagdating sa text blasting na karaniwan umanong  ginagawa ng ldrrmo sa tuwing nagaanunsyo ang mga ito ng balita tungkol sa mga kalamidad.

Bagama’t alam ng hepe na mag aatubili ang mga tax payers na ibigay ang kanialng mga ohone number at email add sakaling magsimula na silang hingin ito, hiling ni aranilla na naway’y makipagtulungan ang mga ito sa kanila. (Pi0 lucena/c. Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.