Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAMBATO NG BARANGAY 5, NAGWAGI SA SINGING LOLO AND LOLA COMPETITION

Hindi hadlang ang edad ng isang indibidwal sa pagsali sa mga patimpalak at sa papagpapakita ng angking talento. Yan ang pinatunayan ng isa ...

Hindi hadlang ang edad ng isang indibidwal sa pagsali sa mga patimpalak at sa papagpapakita ng angking talento. Yan ang pinatunayan ng isa sa aktibidad na isinagawa sa pagdiriwang ng Payahan sa Lucena 2018, ang Singing Lolo and Lola Competition.

Magmula sa mga miyembro ng nakatatandang sector na edad anim na po hanggang pitumpo’t pitong taon ang naging kalahok sa singing contest.

Tinanghal ngang kampeon si Singing Lola Luz Glifonnea Careon mula sa Barangay 5 na punong puno ng energyng kinanta ang kantang “Nosi Balasi” ng Sampaguita. Tila binuhay niya ang sigla ng mga mamamayahang Lucenahin matapos ang kanyang naging pagtatanghal.

Nasungkit naman ni Singing Lola Norma Amante mula sa Barangay Mayao Crossing ang ikalawang pwesto. Sa edad na pitumpo’t pito na siyang pinakamatanda sa mga finalists ay hindi nagpaawat sa pagbirit si Amante nang awitin nito ang kantang Bakas ng Lumipas ni Eddie Peregrina.

Habang nakamit naman ni Singing Lolo Roger Abrigo ng Radio Pantoc, Barangay 9 ang ikatlong pwesto na inawit ang kanta na Always.

Ang patimpalak na ito ay nasa ikatlong taon nang isinasagawa sa pamumuno ni Pasayahan sa Lucena Chairman Arween Flores.

Marami ang natutuwa sa aktibidad na ito sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang mga senior citizens at naeengganyo sila na makiisa sa mga programa ng pamahalaang panlungsod para sa kanila.

Sa huli ay nagbigay ng pasasalamat ang lahat ng labindalawang contestants sa napakagandang adhikain ng aktibidad na ito ng Pasayahan sa Lucena. (PIO Lucena- M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.