Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Panibagong batch ng mga Cum Laude sa DLL, nalalapit ng magtrabaho sa pamahalaan panlungsod

Tayo po ay madaragdagan ng mga empleyado sa pamahalaan panlungsod, ito ang ilan sa binanggit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. ...

Tayo po ay madaragdagan ng mga empleyado sa pamahalaan panlungsod, ito ang ilan sa binanggit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ayon sa Alkalde, ibinilin na niya kay City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. ang mga ito.

At maging sa lahat ng mga Department Heads na humihiling sa kaniya ng karagdagang empleyado.

Sinabi ni Mayor Dondon Alcala, na inirereserba niya ito kung kaya hindi muna tumatanggap ng aplikante ang Mayor’s Office.

Dahil aniya pagkatapos ng Graduation ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ay andto yong mga kukunin na mga empleyado ng pamahalaan panlungsod.

Ayon pa kay Mayor Alcala, mayroon tayong nagsipagtapos sa DLL na 6 na Cum Laude at 5 Academic Distinction.

At kamakailan umano ay nakausap na niya ang mga ito at binati at welcome sa pamahalaan panlungsod.

Dagdag pa ng punong lungsod, na noong isang taon ay mayroon 17 na cum laude at academic distinction na first bath na kinuha ng pamahalaan panlungsod na sa ngayon ay nagtatrabaho sa iba’t ibang departamento at ngayon taon naman ay 11.

Kaya naman panibagong batch ng mga cum laude mula sa DLL ang madadagdag sa city government of lucena.

Sa huli ay binati ng punong ehekutibo ang mga nagsipagtapos na mag-aaaral mula sa nasabing paaralan lalo’t higit yong mga Cum Laude at Academic Distinction award.(PIO/Lucena J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.